Unang menthol e-cigarettes oks sa FDA
MANILA, Philipines- Pinahintulutan ng Food and Drug Administration noong Biyernes ang unang menthol-flavored na electronic cigarette para sa mga adult smokers, kung saan kinilala na maaaring mabawasan ng vaping flavor ang mga pinsala ng tradisyunal na paninigarilyo. Sinabi ng FDA na pinahintulutan nito ang apat na menthol e-cigarettes mula sa Njoy, ang vaping brand kamakailan na nakuha ng tobacco giant...
Ex-broadcaster, 2 pa itinalaga sa gov’t posts
MANILA, Philippines- Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ex-broadcast journalist na si Jose Edwiniel “Joee” Guilas bilang miyembro ng kanyang economic team. Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment ni Guilas bilang Undersecretary ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs. Manunungkulan siya sa ilalim ni Frederick Go, Special Assistant for Investment and Economic...
‘Bolo-attack’ ng China sa PH Navy, inupakan ni Bong Go
MANILA, Philippines- Mariing kinondena ni Senator Christopher "Bong" Go ang nangyaring agresibong engkwentro sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea. Ang insidente na naganap noong Hunyo 17, ay nagresulta sa pagkasugat ng isang tauhan ng PN at pambubutas ng mga Chinese sa mga rubber boat ng Pilipinas, gamit ang mga bolo at kutsilyo. Nanawagan si...
2 American sex offenders naharang ng BI
MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Amerikanong nahatulan ng sex crimes sa kanilang bansa sa magkahiwalay na international airport sa Manila at Cebu. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga pasahero na sina Danny Albera Rodrigues, 52, na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Hunyo 17, at Kenneth...
P150M Ultra Lotto jackpot nasolo ng mananaya sa e-lotto app
MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ang ikalawang major lotto winner sa pamamagitan ng E-Lotto platform. Nagwagi ang mananaya ng P150 million Ultra Lotto 6/58 jackpot sa winning combination na: 08-24-15-44-04-58. Base sa PCSO, naitala ang unang E-Lotto winner noong Enero 17, nasungkit ang P698 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55. Binobola ang Ultra Lotto is tuwing...
Lab on Wheels sa Las Piñas aarangkada na sa mga barangay
Inihayag ni Las Piñas City Mayor Imelda 'Mel' T. Aguilar ang pagpapalakas sa pagbibigay ng karagdagang seguridad sa kalusugan ng bawat residente sa lungsod sa pamamagitan ng paglulunsad ng bagong Las Piñas Lab on Wheels, isang mobile laboratory, na iikot sa iba't ibang barangay ng siyudad.Sinabi ni Mayor Aguilar na sa pangangasiwa ng City Health Office (CHO) ay aarangkada...
2 sugatan sa sagupaan ng 2 MILF groups
MANILA, Philippines- Sugatan ang dalawang indibidwal habang ilang residente ang lumikas mula sa kanilang tahanan nang magbakbakan ang dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur. Ayon sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office, sumiklab ang barilan sa pagitan ng grupo nina Commander Panzo ng MILF 118th Base Command at Commander Tunga ng MILF...
Oktubre 30 idineklara ni PBBM na National Day of Charity
MANILA, Philippines- Ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 598 na nagdedeklara sa Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity.” Ang proklamasyon ang bumubuo ng bahagi ng 'commitment' ng administrasyon para isulong at iangat ang buhay ng bawat Pilipino sa “Bagong Pilipinas.” Sa paglagda sa proklamasyon, tinukoy ni Pangulong Marcos ang Section 9, Article II ng...
Teves laya na sa house arrest sa Timor Leste
MANILA, Philippines- Pinalaya na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. mula sa house arrest sa Timor Leste, ayon sa kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio nitong Sabado. "We confirm the published reports appearing on Timor Leste (TL) media -- which have reached our country -- to the effect that Rep. Arnolfo Teves has been ordered released from...
Panukala para sa modernisasyon ng PH shipbuilding sector itinutulak ng MARINA
MANILA, Philippines- Nanawagan sa mga mambabatas ang Maritime Industry Authority (MARINA) para sa pagpasa ng Shipbuilding and Ship Repair (SBSR) Development Bill na humihikayat ng maraming investment sa sektor. Sinabi ni MARINA chief Sonia Malaluan nitong Biyernes na ang SBSR bill, bahagi ng mas malawak na Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028, ay magbibigay ng mas maraming insentibo sa sektor...












