Pulis timbog sa Parañaque buy-bust, higit P130K shabu nakumpiska
MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Parañaque City police ang isang AWOL na pulis sa ikinasang buy-bust operation nitong nakaraang Linggo, Hunyo 16. Base sa report na natanggap ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Melencio Nartatez ay kinilala ang nadakip na suspect na si Police Corporal Mcneil Bagunu, nakatalaga sa National Police Training Institute...
DFA nagpasalamat sa suporta ng G7 leaders sa WPS issue
MANILA, Philippines — Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes ng gabi na pinahahalagahan nito ang pagtutol ng mga lider ng G7 sa walang basehan at labis na pag-angkin ng China sa South China Sea. Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na pinahahalagahan nito ang suporta ng G7 sa pagkumpirma sa unibersal at pinag-isang katangian ng United Nations...
Labi ng 3 Pinoy na nasawi sa sunog sa Kuwait nasa Pinas na
MANILA – Naiuwi na sa Pilipinas nitong Lunes ang labi ng tatlong overseas Filipino worker na nasawi sa sunog na tumupok sa kanilang apartment building sa al-Mangaf, Kuwait noong Hunyo 12. Kasama ng mga kaanak sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Arnell Ignacio at Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa pagtanggap ng mga labi sa...
21 sa 22 tripulanteng Pinoy sa barkong inatake ng Houti nakauwi na ng Pinas
MANILA, Philippines – Ligtas na nakarating sa Pilipinas ang 21 Filipino crew members ng MV Tutor bandang tanghali nitong Lunes. Umalis sila sa Bahrain, kung saan isinakay sila ng rescue United States Navy Ship, noong Linggo. Sinamahan ni Labor Attache Hector Cruz ng Migrant Workers Office (MWO) - Al Khobar ang mga mandaragat. Isa namang Pilipino ang nanatiling nawawala. Bago sumakay sa...
Sundalong Pinoy sugatan sa banggaan ng barko ng Pinas at Tsina
MANILA, Philippines - Isang sundalong Pilipino ang iniulat na nasaktan sa banggaan ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China sa karagatang katabi ng Ayungin Shoal nitong Lunes ng umaga. Bunsod nito, isang medical evacuation ang isinagawa para sa sundalo na nagtamo ng mga pinsala sa isang umano'y resupply mission pero hindi pa mabatid ang kanyang kalagayan. Sinabi ng maritime security...
Kai Sotto lilipat sa Koshigaya Alphas sa Japan B League – source
MANILA, Philippines - Inaasahang lilipat ng team ang Filipino basketball star na si Kai Sotto sa Japan. Ayon sa source na may kinalaman sa B-League, malapit ng maplantsa ang kontrata ng 22-taong-gulang, 2.18-meter big man sa Koshigaya Alphas. Si Sotto ay matagal nang itinuturing na pinakamalaking prospect sa bansang Pilipinas na mahilig sa basketball. Naglaro si Sotto ng 34 na games sa B...
25 lugar tustado sa peligrosong damang-init nitong Lunes
MANILA, Philippines - Dalawampu't limang lugar sa buong bansa ang nakaranas ng heat index na itinuturing na "peligroso" nitong Lunes, Hunyo 17, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sinabi ng PAGASA na ang pinakamataas na heat index ng araw ay naitala sa Aparri, Cagayan sa 47 degrees Celsius (°C). Naramdamang ang damang-init sa Dagupan City, Pangasinan; Tuguegarao...
Football superstar Mbappe hindi lalaro sa Team France sa Paris Olympics
Kinumpirma ni Kylian Mbappe noong Lunes na hindi siya maglalaro para sa Olympic team ng France sa Paris Games dahil labag ito sa alituntunin ng kanyang bagong club na Real Madrid. Sinabi ng 25-anyos noong Marso na masigasig siyang maglaro sa kanyang home games dahil wala sa kalendaryo ng FIFA ang Olympic football tournament, pero hindi obligado ang mga club na irelis...
Lider ng BIFF na sangkot sa pamamaril sa simbahan timbog!
MAGUINDANAO DEL SUR - Arestado ang isang hinihinalang sub-commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Datu Piang. Napag-alaman na ang suspek na kinilalang si alyas Bayawak ay nahaharap sa maraming kaso kung saan kabilang na rito ang pagsusunog ng sasakyan ng pulis at pamamaril sa loob ng simbahan sa Maguindanao del Sur noong 2020, ayon sa Philippine...
Caloocan solon sinita ng dating alkalde sa insensitibong magarbong bday party
Inakusahan ni dating Caloocan Mayor Rey Malonzo si Caloocan 1st District Representative Oca Malapitan na gumastos ng milyun-milyon para sa pagdiriwang ng kanyang ika-70 kaarawan sa isang marangyang hotel sa Parañaque City. “Ayon sa aming nakalap na impormasyon, milyun-milyon ang ginastos ng pamilyang Malapitan para sa kanyang magarbong birthday celebration noong June 14. Kasama na rito ang P3 milyon para...












