Lato-lato ban sa barangay sa QC ikinasa!

0

MANILA, Philippines Ipinagbawal ng Barangay Matandang Balara (Old Balara) sa Quezon City ang pagbebenta, pamamahagi, pag-aari at aktwal na paglalaro ng lato-lato. Nitong Huwebes, sinimulan ng mga awtoridad na kumpiskahin ang sikat na "lato-lato" na laruan sa lugar matapos maglabas ng executive order si Barangay Matandang Balara Chairman Allan Franza hinggil sa usapin. Bago ito, una nilang pinaalalahanan ang mga residente...

Visa-free entry ng Pinoy sa Taiwan, pinalawig!

0

MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Taiwan ng isa pang taon ang visa-free entry policy nito para sa Pilipinas, simula Agosto 1 hanggang Hulyo 31, 2024. Ang anunsyo ay ginawa ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs noong Biyernes habang pinapataas nito ang mga pagsisikap nito na buhayin ang mga bilang ng turismo bago ang pandemya. “In this year of tourism recovery,...

Mayon muling nag-alburuto; 4 PDC naitala

0

MANILA, Philippines - Naitala sa Bulkang Mayon ang pagbuga nito ng apat na dome-collapse pyroclastic density currents mula sa bunganga nito, Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Sa isang volcano advisory alas-8 ng gabi, sinabi ng PHIVOLCS na naobserbahan ang apat na PDC mula alas-6:09 ng gabi at umagos ng apat na minuto pababa sa...

26 daan sa MM sarado ‘gang Lunes

0

MANILA, Philippines - Magpapatupad ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng pag-aayos ng 26 daanan sa Metro Manila simula nitong 11:30 Biyernes ng gabi, Hunyo 30 hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Hulyo 3. Kabilang sa mga gagawing daan ang: C-5 Road, Arcovia to Isuzu (northbound, 1st lane, Pasig City)C-5 Road, towards Korean Embassy (southbound lane, Makati City)C-3 Road...

Pinoy Henyo, ginaya ng EB, nagpalit-pangalan!

0

Manila, Philippines - Any discerning viewer wiĺl readily notice na ginaya ng revamped Eat Bulaga ang pamosong Pinoy Henyo na pinauso ng legit nòontime show ng TVJ. Ang Pinoy Henyo segment ay brainchild ni Jeny Ferre na sumama sa Dabarkads sa paglipat nito sa TV5. For several months now, ang naturang segment ay nasa bandang simula ng "old" EB. Ito 'yung naging...

Tapyas-presyo sa LPG sasalubong sa Hulyo

0

MANILA, Philippines - Tatlong malalaking kumpanya ang magpapatupad ng price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) at auto LPG sa Hulyo 1, 2023. Babawasan ng Petron ang presyo ng LPG nito simula 12:01 ng umaga ng P3.70 kada kilo at ang auto LPG nito ng P2.07 kada litro. Inanunsyo rin ng Phoenix LPG Philippines, Inc. ang pagbaba sa presyo ng kanilang...

May nanalo na ng P366-M Ultra Lotto jackpot!

0

MANILA, Philippines - Wagi at instant milyonaryo ang isang bettor matapos na matumbok ang P366,687,465.20 Ultra Lotto 6/58 jackpot prize nitong Biyernes ng gabi. Ang maswerteng kumbinasyong ay 43-58-37-47-27-17 base sa website ng PCSO. Sa kabilang banda, walang nanalo ng jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw na may winning combination na 14-32-15-40-08-29 aat P8,910,000 jackpot. RNT

DOH: 397 bagong kaso ng COVID-19

0

MANILA, Philippines - Nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 397 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong Biyernes, kaya umabot na sa 7,736 ang aktibong kaso sa bansa. Ang pinakahuling bulletin ng DOH ay nagpakita na ang nationwide caseload ay tumaas sa 4,164,757. Umakyat din sa 4,090,537 ang kabuuang recoveries. Gayunpaman, nanatili sa 66,484 ang bilang ng mga namatay....

Joey, 4 na beses iniyakan ang EB!

0

Manila, Philippines- As far as the TVJ and the rest of the Eat Bulaga Dabarkads are concerned, nangyari na ang dapat mangyari. Ang TVJ ay ang collective name ng comic trio nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon. Pinangunahan ng pamosong triumvirate ang pagkalas sa Tape, Inc. na producer ng EB. Naganap ito sa Facebook live ni Maine Mendoza nitong...

207 patay, 900 sugatan sa banggaan ng 2 tren sa India

0

Hindi bababa sa 207 katao ang namatay at 900 ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang pampasaherong tren sa silangang estado ng Odisha ng India nitong Biyernes, iniulat ng Indian media. Ang Coromandel Express, na tumatakbo mula Kolkata hanggang Chennai, ay bumangga sa isa pang pampasaherong tren, ang Howrah Superfast Express, sinabi ng mga opisyal ng riles. Ang Howrah Superfast Express ay...