PN frigate naglabas ng radio challenge sa Chinese warship sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines - Nagpadala ng apat na radio challenge ang isang barko ng Philippine Navy sa isang Chinese warship na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas habang nagpapatrulya sa West Philippine Sea. Ayon sa ulat, ang BRP Diego Silang (FFG-7) ay nakipag-ugnayan sa isang warship ng People’s Liberation Army (PLA) Navy na may bow number 555. Natagpuan ang...
Atty. Michael Poa, nagsumite sa Senado ng pre-trial brief ng depensa sa impeachment case ni VP Sara
Dumating sa Senado nitong Lunes ang legal counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa upang isumite ang pre-trial brief ng depensa kaugnay ng nalalapit na impeachment proceedings laban sa Bise Presidente. (CESAR MORALES)
Lalaking biglang nangyakap ng babae, pinakulong ng nanay
BULACAN, Philippines - Arestado ang isang lalaking nangyakap umano ng babaeng naglalakad sa kalsada ng Brgy. Tikay, lungsod ng Malolos nitong Hunyo 13. Sa ulat ng Malolos police station, ang suspek na si alyas “Boy Yakap”, 42 anyos habang ang biktima ay pawang 21 anyos. Ayon sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang ina ay nilapitan ito ng suspek...
PCG: Walang oil spill sa yate na sumadsad sa Tubbataha Reef
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang naitalang oil spill matapos sumadsad ang Motor Yacht Siren 2 sa loob ng Tubbataha Reefs Natural Park sa Palawan. Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nakasadsad pa rin ang yate sa bahura ngunit wala pang nakikitang pagtagas ng langis. “Nakasadsad pa rin po itong yate, nakapatong po ito sa...
Jeepney driver na tumigil sa pamamasada, nagtulak ng droga, huli
BATAAN, Philippines - Timbog sa mga awtoridad ang 37 anyos na lalaki na isang dating jeepney driver na mas piniling magtulak umano ng iligal na droga at masabat sa suspek ang malaking halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Saguing, Dinalupihan. Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col Bjorn John...
PAGASA naglunsad ng PANaHON weather app
MANILA, Philippines - Inilunsad ng PAGASA ang bagong mobile application na PANaHON (PAGASA National Hydro-Meteorological Observing Network) upang magbigay ng halos real-time na impormasyon tungkol sa ulan, temperatura, heat index, at iba pang lagay ng panahon. Inanunsyo ito noong Lunes bilang bahagi ng pagdiriwang ng Typhoon and Flood Awareness Week (June 14–20). Ayon sa PAGASA, makatatanggap ang mga user ng agarang...
Nanloob sa isang electronic service center sa Valenzuela, tiklo; suspek wanted din ng pagnanakaw sa Bulacan
MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki na napag-alaman wanted din pala sa pagnanakaw sa Bulacan makaraang pasukin at pagnakawan ang isang electronic service center sa Valenzuela City, Linggo ng tanghali. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang suspek na si alyas "Rolly", 31, at residente ng Brgy., Malinta, ay nahaharap sa...
Pre-trial brief sa impeachment case ni VP Sara, isinumite ni House of Representative SecrGen Garafil sa Senado
Dumating ngayon hapon si House of Representative Secretary General Cheloy Garafil na nagtungo sa tanggapan ng Senate Secretary Renato Bantug para sa pagsusumite ng pre-trial brief sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte (CESAR MORALES)
21 anyos na wanted sa 2 kaso ng Statutory Rape, kulong
MANILA, Philippines - Kalaboso ang 21-anyos na kelot na wanted sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape nang masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan City Police Station. Nang makatanggap ng impormasyon...
Yorme Isko pinarangalan ang natatanging Barangay sa Maynila
MANILA, Philippines — Pinarangalan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Lunes ang mga natatanging barangay sa lungsod at hinikayat ang mga opisyal na patuloy na pagbutihin ang kanilang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng konkretong resulta at epektibong pamamahala. Sa ginanap na pagkilala sa mga outstanding barangay mula sa anim na distrito ng Maynila, pinuri ni Domagoso ang...












