Panibagong red, yellow alert ipinatupad ng NGCP sa Luzon, Visayas

0

MANILA, Philippines - Posibleng makaranas muli ng brownout ang mga consumer sa Luzon at Visayas ngayong Huwebes matapos magpatupad ng panibagong red at yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines. Sa ikalawang sunod na araw, inilagay ng NGCP sa red alert ang Luzon grid mula 4 p.m. hanggang 10 p.m. Magkakaroon din ng yellow alert mula 3 p.m....

Pasay nagdeklara ng Red Alert matapos kaguluhan sa Senado

0

MANILA, Philippines - Nagdeklara ng red alert ang pamahalaang lungsod ng Pasay dahil sa umiinit na sitwasyon sa paligid ng Senado. Ayon sa abiso ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office (PCDRRMO), inilagay sa heightened alert ang iba’t ibang ahensya upang maging handa sa agarang responde sa anumang insidente. Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na naka-standby ang...

Imbestigasyon ng SOCO sa Senate shooting

0

Sinisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) forensic group ang nangyaring kaguluhan at pamamaril kagabi, Mayo 13, 2026, sa ikalawang palapag ng Senado. Ang lugar ay nananatiling bawal pasukin habang pinapanatili ng mga awtoridad ang kontrol sa eksena para sa pangangalap at pagproseso ng ebidensya. Dumating ang mga tauhan ng SOCO noong Miyerkules ng gabi matapos marinig ang putok ng...

Opisina ng GSIS sa Pasay, pansalamantalang isinara kasunod ng kaguluhan sa Senado

0

MANILA, Philippines — Pansamantalang isinara ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Huwebes ang pangunahing opisina nito sa Pasay City at nagpatupad ng work-from-home arrangement matapos ang insidente ng pamamaril malapit sa Senate complex. “In view of the ongoing security incident near the Senate area in Pasay City, GSIS Pasay City has been placed under a work-from-home arrangement today,” ayon...

Liderato ng Senado pinagpapaliwanag sa pag-eskapo ni Sen. Bato

0

MANILA, Philippines - Hindi na makita ngayon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at walang sagot o tugon ang kanyang tanggapan hinggil sa pagkawala ng kanilang principal ilang oras matapos ang putukan sa loob ng gusali. Base sa impormasyon na nakalap, pumuslit si Dela Rosa dakong 2:30 ng umaga. Sa pakikipag-usap ni Senate President Alan Peter Cayetano sa media nitong Miyerkoles...

Sen. Bato, umalis na sa Senado — Palasyo

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Malacañang Palace nitong Huwebes, Mayo 14, 2026 na nakaalis na sa Senado si Sen. Ronald dela Rosa. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala na si dela Rosa sa loob ng Senate of the Philippines matapos manatili roon sa gitna ng tensyon kaugnay ng warrant mula sa International Criminal Court. RNT/MND

49 lugar makararanas ng mala-impyernong damang-init

0

MANILA, Philippines  — Aabot sa 49 na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger” level heat index na 42–47°C ngayong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), habang patuloy ang mainit at mahalumigmig na kondisyon sa buong bansa. Pinakamataas na “feels-like” temperature na aabot sa 47°C ang posibleng maranasan sa Butuan City at Hinatuan, Surigao....

Tapyas-GE units, ipinatigil CHED kasunod ng puna ng iba’t ibang sector

0

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang implementasyon ng panukalang reframed General Education (GE) curriculum para sa lahat ng higher education programs ngayong school year matapos ang malawakang pagtutol mula sa iba’t ibang sektor ng edukasyon. Inanunsyo ni CHED Chairperson Shirley Agrupis ang desisyon sa isang press briefing noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, matapos ang...

Driver ng NBI, inaresto kasunod ng gulo sa Senado – PNP

0

MANILA, Philippines - Isang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto matapos ang insidente ng pagpapaputok sa loob ng Senado sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine National Police (PNP). Kinilala ang suspek sa alyas na “Mel Oragon,” 44-anyos na Filipino at empleyado bilang driver ng NBI, batay sa ulat ng Southern Police District. Sa paunang...

Iligal na pagawaan ng yosi, nabuking sa Bogo City, NegOcc

0

MANILA, Philippines - Natuklasan ng mga awtoridad ang isang ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Bago City, Negros Occidental matapos ang isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ayon sa pulisya. Isinagawa ang operasyon sa Purok Pulang Duta, Barangay Lag-asan noong Mayo 12, kung saan naaresto ang isang 29-anyos na hinihinalang caretaker na kinilalang “Jo” mula Barangay Villamonte. Nakumpiska...