Sen. Bato, umalis na sa Senado — Palasyo
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Malacañang Palace nitong Huwebes, Mayo 14, 2026 na nakaalis na sa Senado si Sen. Ronald dela Rosa. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala na si dela Rosa sa loob ng Senate of the Philippines matapos manatili roon sa gitna ng tensyon kaugnay ng warrant mula sa International Criminal Court. RNT/MND
49 lugar makararanas ng mala-impyernong damang-init
MANILA, Philippines — Aabot sa 49 na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger” level heat index na 42–47°C ngayong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), habang patuloy ang mainit at mahalumigmig na kondisyon sa buong bansa. Pinakamataas na “feels-like” temperature na aabot sa 47°C ang posibleng maranasan sa Butuan City at Hinatuan, Surigao....
Tapyas-GE units, ipinatigil CHED kasunod ng puna ng iba’t ibang sector
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang implementasyon ng panukalang reframed General Education (GE) curriculum para sa lahat ng higher education programs ngayong school year matapos ang malawakang pagtutol mula sa iba’t ibang sektor ng edukasyon. Inanunsyo ni CHED Chairperson Shirley Agrupis ang desisyon sa isang press briefing noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, matapos ang...
Driver ng NBI, inaresto kasunod ng gulo sa Senado – PNP
MANILA, Philippines - Isang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto matapos ang insidente ng pagpapaputok sa loob ng Senado sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine National Police (PNP). Kinilala ang suspek sa alyas na “Mel Oragon,” 44-anyos na Filipino at empleyado bilang driver ng NBI, batay sa ulat ng Southern Police District. Sa paunang...
Iligal na pagawaan ng yosi, nabuking sa Bogo City, NegOcc
MANILA, Philippines - Natuklasan ng mga awtoridad ang isang ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Bago City, Negros Occidental matapos ang isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ayon sa pulisya. Isinagawa ang operasyon sa Purok Pulang Duta, Barangay Lag-asan noong Mayo 12, kung saan naaresto ang isang 29-anyos na hinihinalang caretaker na kinilalang “Jo” mula Barangay Villamonte. Nakumpiska...
Mayor Vico sa kaguluhan sa Senado: For now, all we can do is watch and pray for our country
MANILA, Philippines - Nanawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto ng kalmadong pag-iisip at pagninilay kasunod ng insidente sa Senado noong Mayo 13, kung saan may mga putok ng baril na narinig sa loob ng gusali sa gitna ng tensyon kaugnay kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Ayon kay Sotto, sa ngayon ay dapat na lamang umanong obserbahan at ipagdasal...
Sunog sa residential area sa QC, umabot sa ikaapat na alarma
MANILA, Philippines - Umabot sa ikaapat na alarma ang isang sunog sa residential area sa East Riverside Street, Barangay Paltok, Quezon City nitong Huwebes ng umaga, Mayo 14, habang patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy. Ayon sa initial monitoring, isinailalim sa verification ang insidente bandang 9:05 a.m., at makalipas ang ilang minuto ay nakitaan na ng usok bandang...
SPD tutugon sa reklamo ni Sen. Sotto
MANILA, Philippines - Rerespondehan ng Southern Police District (SPD) ang reklamo ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos niyang igiit na nabigo ang pulisya na kontrolin ang “unruly crowd” sa labas ng Senado noong insidente noong Mayo 13. Nauna nang naglabas ng saloobin si Sotto sa Facebook, kung saan sinabi niyang inatake siya ng mga raliyista habang nasa...
Nasaan na si Sen. Bato? Senator, PNP may magkaibang impormasyon
MANILA, Philippines - Matapos ang kaguluhan na nangyari sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi, Mayo 13, 2026, mayroong lumalabas na magkaibang papahayag ukol sa kinaroroonan sa ngayon ni Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa. Sa mga ulat na naglabasan, kinumpirma ng isang hindi pinangalanan na senador nitong Huwebes na umalis na sa Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang...
Presensya ng Marines sa Senado habang nagkakagulo, nilinaw ng AFP
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng mga Marine commandos sa loob ng Senado noong insidente noong Mayo 13, at sinabing ito ay sa kahilingan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na siyang nangangasiwa sa seguridad ng kapulungan. Ayon sa AFP, ang mga sundalong nakita sa loob ng Senado ay miyembro ng Marine...












