Panukala sa libreng board at civil service exam sa indigents, IPs, umusad sa Kamara
MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang magbibigay ng libreng licensure at civil service examinations para sa mga kwalipikadong mahihirap na Pilipino at mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) at Indigenous Cultural Communities. Layunin ng House Bill No. 8869 o “Free Professional Examinations Act” na alisin ang hadlang sa gastos na pumipigil sa...
1.6M Pinoy nalibre hospital bill sa ‘zero balance billing’
MANILA, Philippines — Umabot sa humigit-kumulang P95 bilyon ang nabayarang hospital bills para sa 1.6 milyong Pilipino sa ilalim ng “zero balance billing” program ng gobyerno, ayon sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector. Sa pahayag matapos ang ika-10 pulong nito kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, sinabi ng PSAC na ang nasabing saklaw hanggang Pebrero 2026...
Road alert: Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa May 17
MANILA, Philippines — Ilang pangunahing kalsada sa Maynila ang pansamantalang isasara sa trapiko sa Linggo, Mayo 17, upang bigyang-daan ang isang running event, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau. Magsisimula ang road closures bandang alas-1 ng madaling araw at maaapektuhan ang ilang pangunahing kalsada tulad ng Roxas Boulevard, Bonifacio Drive, P. Burgos Avenue, Finance Road, at ilang bahagi ng...
Mano-manong pagbilang ng boto ‘di na kailangan sa automated local, national elections – SC
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema (SC) na hindi maaaring obligahin ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual counting ng boto sa antas ng presinto sa ilalim ng Automated Election System (AES) para sa lokal at pambansang halalan. Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh at inilabas noong Mayo 14, sinabi ng SC na...
Ilang NBI agents naniniwalang ‘palabas’ lang barilan sa Senado – Matibag
MANILA, Philippines — May ilang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na naghihinalang posibleng “sinadya” o staged ang naganap na pamamaril sa Senado noong Miyerkules, upang umano’y makatulong sa pag-alis ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Huwebes. Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang ibinigay na instruksyon para arestuhin...
320,000 customer sa Luzon sapul ng rotational brownout – Meralco
MANILA, Philippines — Tinatayang 320,000 customers ang naapektuhan ng rotational power interruptions matapos ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert ang Luzon grid noong Huwebes, ayon sa Manila Electric Company (Meralco). Sinabi ng Meralco na ang mga rotating brownout na maaaring tumagal ng hanggang dalawang oras sa ilang lugar ay ipinatupad sa mga bahagi ng...
Pagpapalawig ng termino ni PBBM gamit Cha-Cha, itinanggi ng Malakanyang
MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malacañang nitong Huwebes ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na may umano’y plano para palawigin ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tinawag itong “‘baseless, at unsubstantiated’.” Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, “mas nakakahiya” umano na magkomento pa sa mga pahayag ng Bise Presidente na aniya ay walang batayan. “Mas nakakahiya sa...
Senate impeachment court sa May 18, ikinatuwa ng House prosecution panel
MANILA, Philippines — Positibong tinanggap ni House Committee on Public Accounts chairperson Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list ang anunsyo ni Senate President Alan Peter Cayetano na pormal na magtitipon bilang impeachment court ang Senado sa Mayo 18. Si Ridon ay kabilang sa 11 miyembro ng House prosecution panel na inatasang magpresenta ng articles of impeachment at mga ebidensya laban...
Sen. Bato ‘di tumakas, malayang umalis ng Senado – SP Cayetano
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na hindi “tumakas” si Senador Ronald "Bato" dela Rosa mula sa Senado dahil wala namang inilabas na lokal na warrant of arrest laban dito. “Mali 'yung word na escape because there's no warrant eh...‘Di ba, there's no warrant. So, he's free to go," ani Cayetano sa mga mamamahayag. “He...
Lebel ng tubig sa Angat Dam, bumulusok sa ibaba ng minimum operating level
Bulacan — Bumaba na sa ibaba ng minimum operating level ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa matinding init at kakulangan ng ulan, ayon sa mga opisyal. Noong Huwebes, nasa 178.87 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa Angat Dam, mas mababa sa 180 masl minimum operating level at malayo sa normal na 212 masl...












