11 prosecution panel ng Kamara na lilitis sa VP Sara impeachment, pinangalanan na

0

MANILA, Philippines – Pormal nang itinalaga ng House of Representatives noong Martes ang 11-kataong prosecution panel na binubuo ng mga mambabatas, abogado, at mga legal expert na kakatawan sa Kamara sa impeachment trial sa Senado laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Inatasan ang panel na iharap sa Senado ang Articles of Impeachment at mga ebidensiyang susuporta dito. Ayon sa mga...

Import ban sa Greek goods, ikinasa ng Pinas vs banta ng FMD

0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng mga buhay na hayop at produktong hayop mula sa Greece matapos makumpirma ang mga kaso ng foot-and-mouth disease (FMD) sa nasabing bansa. Ipinatupad ang pagbabawal sa pamamagitan ng Department Circular No. 20 matapos mag-ulat ang Greece ng FMD cases sa mga alagang tupa sa Lesvos...

Walang nakaposteng eroplano na magdadala kay Bato sa The Hague – PAF

0

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Philippine Air Force (PAF) nitong Martes ang mga ulat na may naka-standby na civilian aircraft sa Villamor Air Base sa Pasay City para sa posibleng pagbiyahe kay Senador Ronald dela Rosa patungong The Hague, Netherlands. Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Christina Basco, wala umanong anumang opisyal na utos para sa ganitong operasyon at nananatiling...

Balik-ICC ng Pinas, wala pa sa isip ni PBBM

0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Malacañang na hindi pa isinasaalang-alang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagsali ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), ngunit nananatiling bukas ang administrasyon sa posibleng pag-aaral nito sa hinaharap. Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nananatili ang posisyon ng Pangulo, ngunit hindi nito isinasara ang posibilidad ng pag-review sa usapin. “Ang huli...

Gastos ng US sa bakbakan sa Iran, umabot na sa $29B

0

WASHINGTON — Umabot na sa $29 bilyon ang nagastos ng Estados Unidos sa digmaan nito sa Iran, ayon sa isang senior Pentagon official nitong Martes, mas mataas kumpara sa $25 bilyon na naunang tantiya noong huling bahagi ng Abril. Ayon sa Pentagon, kasama sa updated na halaga ang gastos sa pagkukumpuni at pagpapalit ng military equipment, gayundin ang patuloy na...

Sigawan sa Senado: Kiko, sasampahan ng ethics complaint ni Binoe

0

MANILA, Philippines — Nauwi sa tensyon ang sesyon sa Senado nitong Martes, Mayo 12, matapos ihayag ni Senador Robinhood Padilla ang planong paghahain ng ethics complaint laban kay Senador Francis Pangilinan kasunod ng mainitang pagtatalo sa plenary session kaugnay ng usapin ng International Criminal Court (ICC) arrest warrant laban kay Senador Ronald dela Rosa. Sa sesyon, kinuwestyon ni Padilla kung...

Int’l criminal at humanitarian law expert Peter Haynes, bagong abogado ni Digong

0

MANILA, Philippines — Itinalaga ng dating pangulo Rodrigo Duterte si international criminal at humanitarian law expert Peter Haynes bilang kanyang bagong lead counsel, kapalit ni Nicholas Kaufman, ayon sa dokumentong inilabas ng International Criminal Court nitong Martes, Mayo 12, 2026. Sa isang court filing sa ICC Trial Chamber III, ipinabatid ni Kaufman na si Haynes ang hahalili bilang pangunahing abogado...

Pinoys na nakaramdam ng kagutuman, dumami sa 2026

0

MANILA, Philippines — Tumaas sa 23.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2026, batay sa pinakahuling Social Weather Survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026. Tumutukoy ito sa mga pamilyang nakaranas ng gutom at walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mataas ito kumpara sa...

Prenup agreement, gustong gawing mala-endorsement contract?

0

Sa gitna ng ingay tungkol sa naudlot na kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co, may isang kuwento umanong hindi agad nalaman ng publiko. Batay sa mga ulat ng Bilyonaryo, Philstar Pang-Masa, at Abante TNT, may mga source at observers umanong nagsasabing marami ang nagulat sa pagiging sobrang “hands-on” umano ng manager ni Bea na si Shirley Kuan, lalo na...

Malakanyang: Walang cabinet revamp sa ngayon

0

MANILA, Philippines — Wala pang impormasyon ang Malacañang kaugnay sa napaulat na Cabinet revamp sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala pa umanong ipinapaabot na update hinggil sa posibleng pagbabago sa hanay ng gabinete. “Sa ngayon po ay wala pa rin pong ipinapaabot sa atin na update. Pero kapag mayroon ibibigay ko...