Totoong impormasyon, ‘di maling narratives sa flood control probe ipinangako ni Lacson
MANILA, Philippines - Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na dapat iharap sa publiko ang mga totoong impormasyon, hindi maling salaysay, kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects. Bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Lacson na ilalahad niya sa plenaryo ang progress report mula sa 7 hanggang 8 hearing ng komite...
Legarda: Aksyon ng gobyerno kailangan sa taas-presyo ng langis, pagkain
MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Loren Legarda noong Labor Day para sa agarang aksyon ng pamahalaan upang maibsan ang bigat na nararanasan ng mga manggagawang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at pagkain. Ayon kay Legarda, hindi lamang sahod ang isyu kundi ang “survival at dignidad” ng mga manggagawa sa gitna ng krisis sa ekonomiya. Aniya,...
eGOVPH app nagka-aberya dahil sa dami ng users
MANILA, Philippines - Aminado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagkaroon ng pansamantalang aberya sa ilang serbisyo ng eGOVPH app dahil sa biglaang pagdami ng gumagamit. Ayon sa DICT, “The disruption was caused by an unexpected surge in user activity, which placed significant demand on system capacity. Our technical teams immediately responded, and affected services were promptly...
Suhol, pwersahan sa impeachment vote vs VP Sara, pinabulaanan ni Garin
MANILA, Philippines - Itinanggi ni Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo ang alegasyon na may suhol o pamimilit sa naging hakbang ng House Committee on Justice na i-impeach si Vice President Sara Duterte. Tugon ito sa ulat na may umano’y ₱1.3 bilyong “appearance fee” para sa mga miyembro ng komite. “There is no truth to the ‘appearance fees,’ and even more...
Iran nagsumite ng bagong peace proposal sa US
ISLAMABAD, Pakistan - Nagpadala ang Iran ng bagong panukala para sa peace talks sa United States sa pamamagitan ng mediator na Pakistan, ayon sa state media noong Biyernes, habang nananatiling nakahinto ang negosasyon ng dalawang panig. Ayon sa IRNA news agency, ang text ng proposal ay ibinigay sa Islamabad noong Huwebes ng gabi. Ang digmaan na inilunsad ng US at Israel...
‘Gang 2 bagyo posibleng pumasok sa PAR ngayong Mayo — PAGASA
MANILA, Philippines - Inaasahan ng PAGASA na maaaring may isa hanggang dalawang tropical cyclone na mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo. Ayon kay PAGASA weather forecaster Leanne Loreto, “Base sa ating climatological tropical cyclone tracks, yung mga bagyo sa Mayo ay usually nagre-recurve o hindi tumatama sa ating kapuluan. Meron din naming mga bagyo na...
Albay naghahanda sa El Niño sa gitna ng pagliligalig ng Mayon
ALBAY, Philippines - Pinaiigting ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño, na inaasahang magdudulot ng matagal na tagtuyot at mas malalakas na bagyo pagsapit ng huling bahagi ng 2026. Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (Apsemo) chief Oscar Robert Cristobal, sabay na pinaghahandaan ng lalawigan ang El Niño at ang patuloy...
Easterlies magdadala ng ulap, ulan sa ilang parte ng bansa — PAGASA
MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang easterlies sa buong bansa sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA. Magiging maulap na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, Sorsogon, Masbate, at Palawan. Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers...
Cooling rooms sa LRT-2 stations bubuksan simula Mayo 4
MANILA, Philippines - Maglalagay ng passenger cooling room sa bawat istasyon ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) simula Mayo 4 dahil sa patuloy na mainit at maalinsangang panahon sa bansa, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA). Ayon sa LRTA, bukas ang cooling rooms mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. at maaaring gamitin ng mga pasaherong may valid ticket na...
13 lugar sa Pinas makararanas ng ‘danger’ heat index ngayong Mayo 2 — Pagasa
MANILA, Philippines - Aabot sa “danger” level ang heat index sa 13 lugar sa bansa ngayong Sabado, Mayo 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ang heat index ay sukat ng init na nararamdaman ng tao batay sa temperatura at halumigmig ng hangin. Ang “danger” level ay nasa 42°C hanggang 51°C, kung saan maaaring makaranas ng...












