Parak sugatan, bagong laya utas sa engkuwentro sa Pasay
MANILA, Philippines - Patay ang isang bagong laya na suspek habang sugatan ang isang pulis matapos mauwi sa engkwentro ang follow-up operation sa Pasay City noong gabi ng Abril 28. Kinilala ang suspek na si Jet Mark Velasco, 28-anyos, residente ng Barangay 61, na agad na nasawi dahil sa maraming tama ng bala. Sugatan naman si Police Staff Sergeant Carlo Rebulanan,...
Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan; 10 naospital, 90 inilikas
MANILA, Philippines - Sampung katao ang naospital habang 90 ang inilikas matapos ang ammonia leak mula sa isang ice plant sa Barangay 168, Deparo, Caloocan City madaling-araw ng Miyerkules. Base sa paunang imbestigasyon, walong residente ang dinala ng mga opisyal ng barangay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, habang dalawa pa ang isinugod ng Bureau of Fire Protection. Naitala...
Sa kabila ng petisyong ipatigil, VP Sara impeachment hearing tuloy – Luistro
MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice sa mga reklamong impeachment laban kay Sara Duterte ngayong Abril 29, sa kabila ng mga hakbang upang ito’y mapatigil, ayon kay Gerville Luistro. Ito ay matapos magsampa ng reklamo ang asawa ng Bise Presidente na si Manases "Mans" Carpio sa Quezon City Prosecutor's Office laban kay Luistro at iba...
Bebot timbog sa P3.4M tobats sa Marawi
COTABATO CITY – Arestado ang isang babae matapos makuhanan ng PHP3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Marawi City noong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) nitong Martes. Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Edgar Jubay ang suspek na si alyas “Jonairah,” 39 anyos, residente ng...
3 Tsino arestado sa scam hub sa Pampanga
ANGELES CITY, Pampanga – Arestado ang tatlong Chinese national matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang umano’y scam hub sa loob ng apartment sa isang exclusive subdivision sa Angeles City noong Lunes ng gabi. Base sa ulat na isinagawa ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Organized and Transnational Crimes Division katuwang ang Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search...
Rep. Barzaga posibleng tuluyang mapatalsik sa Kamara – Garin
MANILA, Philippines – Posibleng maharap sa expulsion mula sa House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga dahil sa paulit-ulit na paglabag sa tamang asal at umano’y misconduct, ayon kay House Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin nitong Martes. Sinabi ito ni Garin kasunod ng muling pagdinig ng House ethics committee sa iba’t ibang...
ERC, Meralco pagpapaliwanagin ng Senado sa taas-singil sa kuryente
MANILA, Philippines – Ipapatawag ng Senado ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ng power distributor na Manila Electric Company (Meralco) upang magpaliwanag hinggil sa kamakailang pagtaas ng singil sa kuryente, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian nitong Martes. Sinabi ni Gatchalian na tatalakayin ang isyu sa pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis...
P32.92B housing loans, inilabas ng Pag-IBIG sa Q1 ng 2026
MANILA, Philippines – Umabot sa PHP32.92 bilyon ang nailabas na housing loans ng Pag-IBIG Fund sa unang quarter ng 2026, mas mataas ng 9 porsiyento kumpara sa PHP30.22 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa ulat nito nitong Martes. Ayon sa Pag-IBIG, ang pagtaas ay bunsod ng patuloy na demand para sa abot-kayang pabahay at mas malawak na...
10 araw na ‘annual paid leave’ isinusulong sa Kamara
MANILA, Philippines – Isinusulong sa House of Representatives ang panukalang magtataas ng annual paid leave ng mga empleyado mula limang araw tungong 10 araw, sa pamamagitan ng House Bill (HB) No. 6602 na inihain ni Parañaque City Rep. Brian Raymund Yamsuan. Layunin ng panukala na amyendahan ang Article 95 ng Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines...
Walang “military-backed People Power” pero PNP nakaalerto
MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na wala itong natatanggap na balidong intelligence na magpapatunay ng anumang banta ng “military-backed People Power” movement, sa gitna ng mga kumakalat na ulat sa social media. Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., nananatiling nakaalerto ang pulisya ngunit walang kredibleng ebidensiya ng agarang banta,...











