Home OPINION ‘NO WHERE TO BE FOUND’

‘NO WHERE TO BE FOUND’

250
0

INAMIN ng Malakanyang na dinala sa St. Lukes Hospital si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa sakit na diverticulitis. Pangalawang beses na yata ito ngunit inanunsyo ng Palasyo na nasa maayos na lagay ang Presidente.

May kumakalat na medicol report mula sa SLH na nagsasaad ng “masamang lagay” ni PBBM na nangangailangan ng agarang atensyon.

Pero sa isang pahayag umano ng SLH, nilinaw nito na peke ang kumalat na medical report umano ng Pangulo.

Naglabas din ang “tao” ng Palasyo na si Ante Kler ng isang video na nakikipaglaro ang Presidente sa kanyang “aso” para ipakitang nasa mabuti siyang lagay at nangangailangan lamang ng pahinga, ayon sa utos umano ng kanyang mga doktor.

Hindi tayo tiyak kung kailan ginawa ni Ante Kler ang video ng interbyu niya kay PBBM.

Kung nasa maayos na lagay ang Pangulo. aba’y mabuti naman pala kung gayon.

Ang tanong ay nasaan siya ngayon? Halos isang linggo na kasing hindi siya nakikita sa Malakanyang ng mga miyembro ng media.

Hindi dumalo ang Presidente sa isang event sa Malakanyang, ang Gawad Lingkod Bayani. Ang mga bayani ay nasa Palasyo ngunit “no where to be found” ang Pangulo. Ang okasyon ay isang simboliko.

Marami ang nahihiwagaan at nag-aalala na rin sa tunay na lagay ng ating Presidente.

Bakit mahalaga na nagpapakita ang Pangulo, lalo’t siya mismo ang nagbalitang mayroon siyang dinaranas na karamdaman?

Hindi malayong mag-isip at mag-alala ang publiko kapag hindi nakikita ang Pangulo, matapos ang kanyang confinement sa ospital. Kailangang maayos na magbigay ng ulat ang Palasyo tungkol sa tunay niyang kalagayan.

Kung hindi maglalabas ng abiso ukol dito, maaaring may humiling sa korte na maglabas ng kautusan o writ of mandamus para isiwalat ang impormasyon tungkol sa kalusugan ng Presidente.

Karapatan ng madla na malaman ang tamang impormasyon sa isyung may kinalaman ang kapakanan ng sambayanan, lalo sa bali-balitang may masamang karamdaman ang nakaupong lider. Ang gusto ng madla ay maging mabuti ang lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here