Home NATIONWIDE Number coding sa Huwebes Santo, Biyernes Santo suspendido

Number coding sa Huwebes Santo, Biyernes Santo suspendido

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority nitong Lunes, Marso 25 sa publiko na suspendido ang number coding sa Huwebes Santo, Marso 28, at Biyernes Santo, Marso 29.

Nauna nang idineklara ng Malakanyang ang naturang mga petsa bilang regular holidays.

Sa post sa social media, sinabi ng MMDA na wala ring number coding tuwing Sabado at Linggo.

Inabisuhan nito ang publiko na planuhin ang mga biyahe dahil sa inaasahan din na dagsa ng mga biyahero.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng MMDA na pansamantalang nilang papayagan ang mga provincial bus sa pagdaan sa EDSA ngayong Semana Santa.

Ito ang mga sumusunod na oras:

Marso 23 hanggang 27: 10 p.m. hanggang 5 a.m.
Marso 28 hanggang Abril 1: buong araw o 24 oras
Abril 2: 10 p.m. hanggang 5 a.m.

Ang provincial buses mula North Luzon ay papayagan lamang hanggang sa kanilang mga terminal sa Cubao, Quezon City habang ang mga bus na mula sa South Luzon ay papayagan hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at mga terminal sa Pasay City. RNT/JGC

Previous articleBong Go sa pertussis outbreak: Magsuot ng mask
Next articleChinese Embassy exec ipinatawag ng DFA sa insidente sa Ayungin