Home OPINION OBSERBASYON NG BETERANONG OFW

OBSERBASYON NG BETERANONG OFW

138
0

KUNG hahanapin ang ugat kung bakit tila napag-iiwanan ang ating bansa, hindi na kailangang lumayo pa. Hindi likas na yaman ang kulang sa atin, hindi rin kakayahan ng Pilipino. Malasakit at interes ang isa sa pinakamabigat na dahilan kung bakit mabagal ang pag-unlad ng ating bansa

Ito ang obserbasyon ni Captain Ramy Panagsagan, kung bakit ang Brunei ay umuunlad. Ito ay dahil sa yaman nito sa langis; ganoon din ang Malaysia at Indonesia at ang Singapore naman ay huwaran sa disiplina, kaayusan, at malinaw na pamamahala.

Si Panagsagan, na tubong Altavas, Aklan, isang beteranong Overseas Filipino worker na marino ay mabigat at may lalim ang kanyang mga puna na halos buong buhay ay ginugol sa paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi na bago sa kanya ang paglalayag ng mahabang panahon at bahagi ng mga proyektong oil exploration mula sa Brazil, Mexico, Venezuela at mga bansang may malaking deposito ng langis sa Gitnang Silangan.

Bitbit ang karanasan at kaalamang hinubog sa iba’t ibang bansa, sinubukan niyang ilapit sa kinauukulan ang kanyang natuklasan: may ilang lugar sa bandang Palawan na maaari sanang isailalim sa masusing oil exploration.

Habang ang iba naman ay agresibong nagsasaliksik at nag-iinvest sa enerhiya, samantalang tayo ay tila nag-aalangan, o baka may iniiwasan. Sa likod ng mga desisyon, naroon ang pulitika, takot, at kawalan ng pagkakaisa.

Ang pagkilala sa determinasyon ni Panagsagan ay marami ng beses na inendorso ng mga nagdaang Pangulo sa Department of Energy at ngayon ay ipinasa muli sa tanggapan ni Secretary Sharon Garin na tila doon na lamang ito nanahimik.

Iginiit niya na positibo ang posibilidad ng malaking deposito ng langis sa mga bahaging malapit sa Palawan. At ang kanyang pinanghahawakang lohika ay simple ngunit mapanghamon: kung walang halaga ang lugar, bakit ito pinag-aagawan?

Sa kabila ng ganitong pananaw, nananatiling mabagal ang tugon at mas umaatikabo pa ang isyu ng korapsyon. Dito pumapasok ang mas malalim na tanong: handa ba tayong ipaglaban at paunlarin ang sarili nating yaman, o hahayaan na lang natin itong mapunta sa kamay ng iba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here