Home NATIONWIDE Ombudsman duda sa isiniwalat na cash delivery ng ex-Marines

Ombudsman duda sa isiniwalat na cash delivery ng ex-Marines

160
0

MANILA, Philippines – “Canard.”

Ito ang pagtawag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa affidavit na ipinasa ng 18 dating Marine officers, na nagsabing naghatid sila ng iba’t ibang maleta na puno ng pera sa ilang opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ni dating congressman Zaldy Co.

Ani Remulla, kabilang sa affidavit ang pagsasabing nakipagkita siya sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang bahay sa Makati City na kanya namang pinabulaanan.

Dahil dito ay nais ng Ombudsman na tumestigo sa Senado ang mga dating marines.

“Eighteen people signed one affidavit. An affidavit is supposed to contain…ang nakasulat diyan, personal knowledge mo. Yung sarili mo lang karanasan, sarili mong kaalaman. E paano naging common knowledge sa kanila yung labing-walo silang laging magkakasama? Sa buong affidavit na iyon?” ayon pa kay Remulla.

Kabilang din sa affidavit ng mga ito ay ang umano’y koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ICC investigators para imbestigahan ang extrajudicial killings sa drug war ng Duterte administration.

Nauna nang itinanggi ng ICC ang mga alegasyon at sinabi pa ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang na “they rely exclusively on our resources.”

Samantala, naghihintay naman ang Iglesia Ni Cristo ng tugon ng pamahalaan sa korapsyon.

“Mula nang magsagawa ng rally for transparency, accountability, justice, and peace ang Iglesia Ni Cristo noong November 16-17, 2025, patuloy kaming naghihintay kung paano tutugunan ng gobyerno ang malawak na katiwalian na naganap sa ating bansa,” sinabi ng naturang religious group.

“…male-maletang pera at kamakailan lang ay pinatunayan ng mga dating sundalo na umaming sila ang naghatid ng mga ito, bakit tila walang malinaw na hakbang upang palawakin pa at tapusin ang imbestigasyon?” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na mahalaga ang mga ebidensya.

“As chairman of the Senate Blue Ribbon Committee, I haven’t changed my position about being led by evidence guided only by the prudent and logical way of treating any information that comes to my attention – evaluate and validate the credibility of and reliability of both the source as well as the information itself before taking action,” ani Lacson.

“I respect their [INC] opinion with regard to the 18 ex-military personnel…Let me emphasize that having a different opinion does not imply disrespect,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here