Home ENTERTAINMENT Sakit ni Boobay, natukoy na!

Sakit ni Boobay, natukoy na!

186
0

Manila, Philippines – January 19 ng taong ito nang mag-collapse na naman si Boobay habang nagso-show sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro.

Sa paglalarawan niya, para raw highblood ang nangyari sa kanya.

Kaya naman mahigpit na advice sa kanya ng kanyang doktor — huwag mag-overthink at mag-over work.

In-explain din ni Boobay ang resulta ng pagsusuri sa kanya.

He was diagnosed with “absence seizure.”

Aniya: “Ito po ‘yung seizure para sa mga babies.”

Ang nangyayari daw doon, may mga babies na natutulala sa loob ng lima hanggang sampung segundo.

“Pero thankful ako kay Lord sa bagong pagkakataong ibinigay niya sa akin despite that, at sa mga boss sa GMA for the chance,” ani Boobay referring to his show with Super Tekla na upgraded na.

Naka-eight years na nga naman ang kanilang show–owing it to their loyal viewers.

Gayunpaman, inamin ni Boobay na pasaway talaga siya pagdating sa kanyang kalusugan.

Huwag na kasing pasaway, Boobay, or else baka ang ending ay “pass away” … knock on wood!

Joke! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here