Home METRO Oplan Greyhound ilulunsad kasunod ng kaguluhan sa Manila City Jail

Oplan Greyhound ilulunsad kasunod ng kaguluhan sa Manila City Jail

Inmates sleep on the ground of an open basketball court inside the Quezon City jail at night in Manila in this picture taken on July 21, 2016. There are 3,800 inmates at the jail, which was built six decades ago to house 800, and they engage in a relentless contest for space. Men take turns to sleep on the cracked cement floor of an open-air basketball court, the steps of staircases, underneath beds and hammocks made out of old blankets. / AFP PHOTO / NOEL CELIS / TO GO WITH AFP STORY: Philippines-politics-crime-jails, FOCUS by Ayee Macaraig

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan nang ilunsad ng Manila City Jail ang Oplan Greyhound kasunod nang nangyaring gulo sa pagitan ng dalawang gang nitong Sabado, Abril 13.

Partikular na isasagawa ang paghaluglog sa male dormitory ng Commando Gang at Bahala na Gang.

Isa-isang iinspeksyunin ang mga selda at gamit ng mga inmates sa loob ng bilangguan.

Sinabi ni Jail Officer 2 Elmer Jacobe, tagapagsalita ng Manila City Jail, karamihan sa mga nasaktan sa kaguluhan ay mga miyembro ng Commando na kinailangang pang isugod sa ospital dahil sa tama ng mga bato sa ulo at kamay.

Ayon pa kay Jacobe, sa nakalipas na pitong taon na pagkakatalaga niya sa MCJ, ngayon lamang nagkaroon muli ng kaguluhan sa nasabing piitan.

Nagsimula ang kaguluhan ala-1:57 ng hapon ng Sabado na sinasabing dahil sa hindi pagkakaunawaan sa basketball sa kanilang sportsfest.

Una nang nilinaw ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera na hindi riot ang nangyaring kaguluhan sa pagitan ng dalawang gang sa loob ng MCJ. Jocelyn Tabangcura-Domenden