Home OPINION OUT OF LINE VIOLATION NG MGA TAXI DAPAT MALINAW (Part 2)

OUT OF LINE VIOLATION NG MGA TAXI DAPAT MALINAW (Part 2)

230
0

MUKHANG kailangan tingnan at pag-aralang mabuti ng Land Transportation and Franchising Board at Land Transportation Office ang problemang ito. Lalo na magpapasko tiyak na maglalabasan ang problema sa mga tinaguriang isnaberong taxi driver.

Ang mungkahi ng LCSP ay gawing Mega Manila na ang Metro Manila Taxi Routes.

Ang Metro Manila ngayon ay hindi na gaya noong dekada  sitenta at otsenta na ang Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna ay probinsya pa.

Ngayon ay libo-libo na ang ‘everyday motorists’ at ‘commuters’ na galing sa karatig-probinsya na ang trabaho ay sa Metro Manila.

Ang konseptong Mega Manila ay hindi na bago sa transportasyon dahil may mga taxi na Mega Manila. Kawawa naman ang mga pasahero na walang masasakyan o kung meron man ay tinatanggihan o sinisingil ng malaki.

May mungkahi na kapag Metro Manila ay maari pumik-up ng pasahero sa Metro Manila at maghatid sa karatig probinsya. Problema sa pabalik ng taxi sa Metro Manila ay mayroon naman pwedeng isakay, tatanggihan pa ba niya? At hindi lang ‘yon, ginagawa pang katwiran ng driver na dahil sa wala siyang pasahero pabalik ay kokontratahin na lang ang pasahero.

Ang mga taxi naman na ‘to any point of Luzon’ ay bihirang pasada ng taxi. Bakit? Magme-metro ka ba kung ang pasahero mo ay papuntang Ilocos o Bicol? Paano ang toll fees, paano pabalik niya? Sino sasagot ng pagkain at iba pa?

Kaya ang pinakamalapit sa reyalidad at pangangailangan ng pasahero ay mga may linyang Mega Manila.

Sa naunang dalawang halimbawa bakit ituturing na ‘out of line’ ang hindi namili ng pasahero, metro ang gamit, eh wala ngang masakyan ang kawawang pasahero?

Sa pangalawa naman ay bakit mo hahayaan gamitin na katwiran na Metro Manila lang siya para makapangontra?

Sana ay maglabas ng malinaw na polisiya ang LTFRB.

Makatutulong sa pasahero at mga taxi driver na maging mas klaro ang polisiya na payagan ang mga Metro Manila taxi line na magsakay at magserbisyo ng pasahero sa Mega Manila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here