Home METRO P1.6M iligal na vape products sa Laguna kinumpiska

P1.6M iligal na vape products sa Laguna kinumpiska

2
0

MANILA, Philippines – Isang 33-anyos na mister ang inaresto matapos na makumpiskahan ng iligal na vape na tinatayang nasa halagang P1.6 milyon na unbranded, non-certified vaporize nicotine at non-nicotine products sa Barangay Bucal, Calamba City.

Ang suspek na pansamantalang nakakulong sa Calamba Component City Police Station matapos na sumailalim sa mandatory physical at medical examination na nakilala sa alyas Mark 33, residente ng nabanggit na lungsod.

Sinalakay ang naturang lugar sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Hansel M. Marantan Regional Director ng PRO4 CALABARZON ng dakong alas-4:20 ng hapon hanggang alas-8:15 ng gabi ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Team 4A, Police Provincial Intelligence Unit ng Laguna, katuwang ang Intelligence and Enforcement Section ng Department of Trade and Industry sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Fourth Judicial Region Calamba City hinggil sa paglabag sa Section 18 Republic Act No. 11900.

Nasamsam sa suspek ang iba’t ibang uri ng Vaporized Nicotine at Non-Nicotine Products at devices na may kabuuang halagang P1.6 milyon.

Napag-alaman na ang pagkaka-aresto sa suspek ay bunga ng masusing intelligence monitoring, surveillance at case build up kung saan matapos na matukoy ang umano’y pagkakasangkot sa pagpapakalat ng vape products sa probinsya ng Laguna at Batangas.

Ayon kay PBGen Marantan, patuloy na paiigtingin ng PRO 4A ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang mapigilan ang paglaganap ng mga ilegal na aktibidad at matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa CALABARZON.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na palakasin ang intelligence-based policing at ang koordinasyon sa ating mga partner agencies upang matukoy, mapigilan, at mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na gawain. Patuloy ang PRO 4A sa pagtupad sa ating mandato na pangalagaan ang publiko at panatilihin ang ligtas na komunidad,” ani Marantan. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here