MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr., na siguraduhing mararamdaman at mapapakinabangan ng bawat Filipino ang mga serbisyo ng gobyerno.
Sa katunayan, nais ng Pangulo na ikutin at libutin ni Abalos ang buong bansa.
“Instead of a CabSec focused on managing the President’s Cabinet meetings, ang utos ni Presidente kay CabSec Benhur ay siguraduhing nararamdaman at napapakinabangan ng bawat Pilipino ang mga serbisyo ng gobyerno,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“And as CabSec, President Marcos Jr. also directed him to go around the country to represent him and call on the Cabinet members to help address the concerns of the public. All these tasks are embodied in CabSec Benhur’s terms of references attached to his appointment,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na buo ang kanyang tiwala kay Abalos, kaya nga ibinigay niya rito ang Cabinet Secretary post at para sa administrasyon na palawakin ang maaabot na rehiyon upang makakuha ng serbisyo na kailangan ng mga ito mula sa gobyerno.
Sa kabilang dako, ang pagkakatalaga kay Abalos ay maaaring ikonsidera bilang isang bagong posisyon at isang paraan ng Pangulo para i-redefine ang Cabinet Secretary post.
“Pursuant to his authority to reorganize the executive branch, particularly the Office of the President. And second, the plenary power to appoint. The President has the plenary power to appoint,” ang paliwanag ni Castro,.
At nang tanungin naman si Castro kung bakit nagtalaga ng Cabinet secretary ang Pangulo, at kung nakikita ng Chief Executive ang pangangailangan na iorganisa ang Office of the President, tinuran ni Castro na nais ng Pangulo ang epektibo at mas pinalawak na serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanyang opisyal sa halip na nakatuon lamang ang CabSec sa pangangasiwa ng Cabinet meetings ng Pangulo. KRIS JOSE