Home NATIONWIDE Batanes, kabilang sa Tsina?: Baseless, ludicrious- Teodoro

Batanes, kabilang sa Tsina?: Baseless, ludicrious- Teodoro

1
0

MANILA, Philippines – “Baseless and ludicrous.”

Ganito kung ituring ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang tinatawag na pag-angkin ng Tsina sa Batanes sa pamamagitan ng Taiwan.

Ang inaalala ani Teodoro ay naniniwala na kasi ang mga Chnese national sa pahayag na ito.

“Sa kanilang closed society, sa tao nila, naniniwala ang mga tao nila dito. Brainwashed eh ang mga tao nila. So ito ay concerning kaso ito’y dapat labanan,” ang sinabi ng Kalihim.

“We should not allow this to go unresponded to. All academics in the world should douse cold water already on this theory. Kalokohan na ‘yan eh,” aniya pa rin.

Ito’y matapos na lumabas ang ulat na maraming mga mananaliksik mula Chinese universities and institutes ang nagdeklara na ang kontrol ng Maynila sa Batanes ay salat sa historical at legal na basehan.

Sinabi pa ng mga iskolar na the “Islands constitute a geographical extension of Taiwan, with sovereignty belonging to China.”

Winika ni Teodoro, na pinatunayan ng pag-aaral ang kanyang hinala na may plano ang Tsina na kontrolin ang Pacific Ocean.

“Signalling of a preconcenied intention already. Hindi din malayo na nasa plano nila ‘yan. And it also validates ‘yung sinasabi natin na they have the plan to control the whole Pacific Ocean, what is this for?” aniya pa rin.

Samantala, ang kanilang false claims ay magpapalakas sa nagkakaisang aksyon laban sa “irresponsible behavior” ng Tsina.

“And sino ang sisisihin dito kapg nag karoon ng anti-China feeling. Sila lang dahil sa ginagawa nila, no?” anito.

“I mean, it’s— hindi na kapanipaniwala,” ang sinabi pa rin ni Teodoro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here