Home NATIONWIDE P111-M lotto jackpot prize nasolo

P111-M lotto jackpot prize nasolo

MANILA, Philippines – Maswerteng natumbok ng nag-iisang mananaya ang mahigit P111 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes ng gabi, Setyembre 4, sabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga masuwerteng numero para sa Grand Lotto 6/55 ay 55-50-06-45-12-40. Nanalo ang bettor ng kabuuang jackpot prize na 111,039,686.00.

Sa parehong draw, 16 na mananaya ang nanalo ng tig-P100,000 para sa ikalawang premyo.

Samantala, sinabi ng PCSO na walang nanalo para sa Mega Lotto 6/45 na may mga winning number na 32-39-26-21-37-06 na may jackpot na P8,910,000.

Apat na manlalaro ang nanalo ng tig-P32,000 para sa ikalawang gantimpala, habang 552 manlalaro ay nakakuha ng tig-P1,000 para sa ikatlong gantimpala.

Ang susunod na Grand Lotto at Mega Lotto draw ay sa Sept. 6. RNT