Home NATIONWIDE 500 litro ng diesel tumagas sa lumubog na tugboat sa Cebu

500 litro ng diesel tumagas sa lumubog na tugboat sa Cebu

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 500 litro ng engine diesel oil ang natapon matapos lumubog ang isang tugboat sa paligid ng tubig ng Naga Anchorage sa bayan ng Naga sa Cebu noong weekend, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes.

Patuloy pa rin ang oil spill recovery operation, ayon sa PCG.

Itinuturing din ng PCG unit na “minimal” ang oil spill.

Naganap ang oil spill matapos magkaroon ng butas ang tugboat MTug Sugbo 2 sa bahagi ng manibela sa loob ng engine room na nagdulot ng pagbaha na tuluyang lumubog noong Linggo. RNT