Home OPINION P112.5M CIF FUND NI VP AT P115.7M NI OMB

P112.5M CIF FUND NI VP AT P115.7M NI OMB

159
0

BUHAY na buhay ang ilang kongresman sa pagsasabing sasampahan nila ng plunder o pandarambong si Vice President Sara Duterte kung hindi nito maipaliwanag nang tama ang paggastos ng P112.5 milyong confidential and intelligence fund o CIF para sa Department of Education noong 2023.

Bigla kong naalala ang sagutan ukol sa confidential fund nina Ombudsman Samuel Martires at ACT Partylist Representative France Castro ukol sa usapin habang inihahanda ang pambansang badyet para sa 2024 noong Setyembre 2023.

Ipinipilit ni Castro na dapat magsumite ang Office of the Ombudsman o OMB ng malilinaw na dokumento kung paano nila ginagastos ang CIF, ayon umano sa Joint Memorandum Circular 2015-01.

Ayon kay Castro, nasa 40-45 porsyento ang gastos ng OMB para sa confidencial fund at nasa P33.7 milyon noong 2021, P51M noong 2022 at P31M naman noong 2023.

Sagot ni Omb. Martires, “My apologies but ever since I became an Ombudsman, nobody has told me to submit receipts because how will we issue receipts to an intelligence officer who I asked to do a certain issue?”

Halimbawa ring ideklara niyang may inupahang safehouse ang intelligence officer, pagdududahan lang ito na isa lang motel.

Kapag nagbigay naman ng P50,ooo na pang-taxi sa intelligence officer, pagdududahan pa rin siya sa pagkakaroon ng allowance na panggasolina.

Sa huli, sa kabila ng mas malaki pa ang CIF ng OMB na P115.7M sa P112.5M ni Inday Sara at sa kawalan ng resibo ni G. Ombudsman, hindi nagawang umastang siga si Castro sa huli.

Hmmm! Bakit kaya? Hakhakhak!

Pero ukol kay Inday Sara, nakupo, hindi pa natatapos ang imbestigasyon at wala pang pinal na desisyon ang Commission on Audit sa problema, itinuturing na itong guilty sa pandarambong ni Castro at mga kasama nito.

At sasampahan umano si Inday Sara ng kasong pandarambong kahit impeachable official ito.

Bakit si Inday Sara sasampahan ng kaso at hindi si Omb. Martires na impeachable official din?

Weeee! Hehehe!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here