Home NATIONWIDE P20/kg bigas kayang ituloy-tuloy ng gobyerno – PBBM

P20/kg bigas kayang ituloy-tuloy ng gobyerno – PBBM

220
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kayang panatilihin ng kanyang administrasyon ang P20 kada kilong bigas, na isa sa kanyang pangunahing pangakong kampanya.

Sa panayam sa Kuala Lumpur, inamin niyang naantala ito noon dahil sa mga kakulangan sa sistema at ang pangangailangang tulungan muna ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng makinarya at suporta.

Sa ngayon, limitado pa ang programa sa piling rehiyon sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo, ngunit target ng gobyerno na maipalaganap ito sa buong bansa at maabot ang hanggang 60 milyong Pilipino bago matapos ang kanyang termino sa 2028.

Ang bigas ay sinusuportahan ng subsidiya mula sa Food Terminal Inc. at nakalaan sa mga sektor gaya ng indigents, senior citizens, PWDs, at solo parents. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here