MANILA, Philippines – Walang maswerteng nakahula ng winning combinations para matumbok ang P215 milyon na jackpot prize sa Superlotto 6/49 at mahigit P188 milyon sa Ultra Lotto 6/58 nitong Disyembre 3.
Sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo lumabas ang 03-11-36-16-44-49 winning digits na may kabuuang jackpot prize na P188,158,003.80.
Samantala, mayroong 13 mananaya na tumama ng 2nd prize na may premyong P120,000.00.
Samantala, lumabas naman ang 12-27-35-09-31-42 na winning digits at umaabot na sa P215,789,836.60 ang premyo.
Mayroong 57 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na may premyong P50,000.00. RNT