Home HOME BANNER STORY Abu Sayyaf sub-leader patay sa bakbakan sa Basilan

Abu Sayyaf sub-leader patay sa bakbakan sa Basilan

MANILA, Philippines – Patay ang isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group habang papatakas sa Basilan nitong weekend, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Linggo ng gabi, Disyembre 3.

Kinilala ng AFP ang napatay na sub-leader na si Mudzrimar Sawadjaan na kilala rin bilang Mundi.

Napatay siya ng isang special intelligence operation ng Joint Task Force Orion ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) alas-6:30 ng gabi nitong Sabado, Disyembre 2, 2023.

Naiulat na namatay si Sawadjaan sa baybaying dagat sa pagitan ng mga barangay ng Banah sa Tipo-Tipo at Lahi-Lahi sa Tuburan sa silangang Basilan habang sinusubukang umalis sa isla.

Nanawagan naman ang militar sa mga natitirang miyembro ng ASG na sumuko at gamitin ang amnesty program ng gobyerno sa pagsisikap na sumulong mula sa ilang dekada nang insurhensya. RNT

Previous articleP215M at P188M lotto jackpots ‘di napanalunan
Next articleP.8M kush nasabat sa Clark