Home METRO P272M tobats nasabat ng PDEA

P272M tobats nasabat ng PDEA

Larawan mula kay Danny Querubin

MANILA, Philippines- May kabuuang P272 milyong halaga ng “shabu” ang nasabat habang isang suspek ang naaresto sa buy-bust operation sa Binangonan, Rizal nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.

Sinabi ng PDEA na nagresulta ang operasyong isinagawa sa Rizal Cement Village, Barangay Pantok sa pagkakasabat sa 40 black gold foil packs na naglalaman ng kabuuang 40 kilo ng hinihinalang shabu.

Nahuli rin ng mga awtoridad ang drug personality na kinilalang si alyas “Ronald,” base sa PDEA.

Mahaharap si Ronald sa kaso dahil sa umano’y pagbebenta at paghawak ng ilegal na droga sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA