Home NATIONWIDE P29.41M marijuana sinira sa 4 probinsya sa Northern Luzon

P29.41M marijuana sinira sa 4 probinsya sa Northern Luzon

130
0

MANILA, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang nasa P29.41 milyong halaga ng marijuana plants at dried marijuana leaves sa magkakahiwalay na eradication operations sa Mountain Province, Kalinga, Benguet at Ilocos Sur, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Marso 1.

Sa pahayag, sinabi ng PNP na sinira ng mga awtoridad ang nasa 50,000 fully grown marijuana plants at 40 kilo ng dried marijuana stalks at leaves na nagkakahalaga ng P14.8 milyon sa boundary ng Sadanga, Mountain Province at Tinglayan, Kalinga.

Sa Barangay Badeo sa Kibungan, Benguet, binunot at sinira ng mga awtoridad ang nasa 11,250 fully grown marijuana plants at 84 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P12.33 milyon.

Samantala, sa Kapangan, Benguet, ay sinira rin ang nasa 3,300 marijuana plants na nagkakahalaga ng P660,000 habang 8,100 marijuana plants na nagkakahalaga naman ng P1.62 milyon ang sinira sa Sugpon, Ilocos Sur.

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ang eradication operations ay nagpapakita ng pagsisikap ng pulisya na buwagin ang mga source ng illegal na droga sa mga komunidad.

“We will continue to work closely with our partner agencies and communities to sustain our efforts toward a drug-free Philippines,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here