Home NATIONWIDE P216M pekeng footwear nadiskubre sa warehouse sa Pampanga

P216M pekeng footwear nadiskubre sa warehouse sa Pampanga

178
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga awtoridad ang mahigit P216 milyong halaga ng pekeng branded footwear sa isang warehouse sa Apalit, Pampanga.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, ipinatupad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Pampanga Provincial Field Unit ang search warrant sa isang production warehouse sa Apalit noong Pebrero 26.

Ang search warrant ay inisyu para sa umano’y mga paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 181 kahon ng pekeng rubber footwear, 30 sako ng rubber resin raw materials, apat na set ng heavy machinery na para sa paggawa ng footwear, at mga business document.

Nagkakahalaga ang mga nasamsam na item ng P216.305 milyon.

Hindi naman naabutan ang babaeng suspek na tinukoy sa search warrant.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para matunton ito at mapanagot.

Idinagdag pa ng PNP na ang mga nakumpiskang item ay isinailalim sa inventory on-site at sisirain sa pamamagitan ng accredited waste company.

“Hindi tayo papayag na lokohin ang publiko. Counterfeit products do not only harm legitimate businesses, they also put consumers at risk,” pahayag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa mga ilegal na gawain. We will protect both consumers and legitimate enterprises. Ang batas ay batas – and we will enforce it fairly, firmly, and professionally,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here