Home NATIONWIDE P50M hinihinalang cocaine napadpad sa baybayin sa Palawan

P50M hinihinalang cocaine napadpad sa baybayin sa Palawan

153
0

MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang nasa P50 milyong hinihinalang cocaine sa dalampasigan ng Rizal, Palawan, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Marso 1.

Sa pahayag, sinabi ng PNP na nakatanggap ang local police units ng tip mula sa concerned citizen tungkol sa kahina-hinalang package na natagpuan sa baybayin ng Barangay Canipaan noong Pebrero 24.

Natagpuan ng mga awtoridad ang limang kahon at nang buksan ay tumambad ang nasa 5.5 kilo ng hinihinalang cocaine at nagkakahalaga ng P50.22 milyon.

“This recovery demonstrates our sustained pressure against the entry of illegal drugs through our maritime borders. We will continue to guard our coastlines and hold accountable those behind this attempt,” saad sa pahayag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Pinasalamatan naman ni Nartatez ang mabilis na pagrereport ng mga residente sa pagkakadiskubre sa kontrabando.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng source at recipient ng illegal na kargamento. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here