Home METRO P2M shabu nasamsam sa Panglao

P2M shabu nasamsam sa Panglao

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 47-anyos na tulak sa buy-bust operation sa Panglao, Bohol nitong Miyerkules, Abril 17.

Ayon sa pulisya, naharang ang suspek sa Purok 6, Barangay Poblacion taglay ang 325 gramo ng shabu na may estimated value na P2.2 milyon.

Ikinokonsiderang big-time drug pusher ang suspek na kumikilos sa Tagbilaran City.

Nagsasagawa na ng karagdagang imbestigasyon ang mga awtoridad sa mga posibleng kasabwat ng suspek at pinagkukunan nito ng illegal na droga. RNT/JGC