Home NATIONWIDE Ex-PRRD mananatili sa PDP

Ex-PRRD mananatili sa PDP

MANILA, Philippines – Mananatili si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Partido Demokratiko ng Pilipinas, sinabi niya nitong Sabado, Abril 20 sa ika-42 anibersaryo ng partido.

Kasabay nito, nagkasundo rin ang mga miyembro na alisin na ang “Lakas ng Bayan” o “Laban” mula sa pangalan nito.

“I am not against anybody going out of the party and changing party line. I do not have an opinion — I do not have a judgement on that. I do not have anything to say,” ayon kay Duterte.

Sa isang oras na speech, sinabi ng dating Pangulo na ang kanyang ama na dating Davao governor at miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nagpakita ng loyalty sa Nacionalista Party.

Aniya, siya ay magpapalit lamang ng partido “maybe as a matter of principle.”

“I would like to remain [with] PDP, irrespective of whoever is the president,” sinabi ni Duterte na nagsisilbing party chairman.

Ayon naman kay Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez, PDP president, layon ng party meeting na tipunin ang mga miyembro na hindi nagkita-kita ng matagal na panahon at para pag-usapan ang organizational matters nito.

“There are things that we will adopt in this meeting. We are doing it here in Cebu because of the presence of a party stalwart — no less than Mayor Mike Rama of Cebu City,” sinabi ni Alvarez.

“Please do not associate this as something we should talk about to support national issues,” dagdag pa nito. RNT/JGC