Home METRO 2 sugatan sa sunog sa Kyusi

2 sugatan sa sunog sa Kyusi

147
0

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang sugatan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Barangay Sto. Nino sa Quezon City nitong Sabado ng umaga, Abril 20.

Isa sa mga biktima ay isang fire volunteer na nasugatan ang kamay.

Ang isa pa sa mga biktima ay residente na nagtamo naman ng minor burn habang itinutulak ang kanyang sasakyan kasabay ng paglikas ng mga ito.

Sa ulat, sumiklab ang sunog 6:18 ng umaga sa compound sa Barangay Buhay Street. Ang compound ay may limang bahay.

Samantala, idineklarang fire out ang sunog bandang 7:09 ng umaga.

Anim na pamilya ang apektado sa naturang sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here