CAVITE—Higit P3.6 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa limang nadakip na suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bacoor City.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency 4A (PDEA 4A) ang mga suspek sa alyas Antonio, alyas Sherwin, Arjay, at Daniel sa Barangay Niog Purok II ng nasabing lungsod.
Batay sa report, nadakip ang mga suspek noong Lunes, Nobyembre 3, 2025, habang aktong nagbebenta ng iligal na droga.
Nakuha sa mga suspek ang higit 502 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price na P3,413,600.
Samantala, sa Barangay Mabolo, nadakip naman ang isang alyas Polo sa pinaigting na anti-drug operation noong Martes, Nobyembre 4, 2025.
Nakuha kay Polo ang 120 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P204,000 at nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P34,000.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico