Home METRO P400K shabu nasamsam sa Makati buy bust

P400K shabu nasamsam sa Makati buy bust

MANILA, Philippines – ARESTADO ang tatlo katao sa buy bust operation ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police gabi ng Martes.

Nakumpiska sa drug suspects ang may 60 gramo ng hinihinalang shabu sa buy bust operation dakong 6:50 ng gabi ng Martes sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina alias Silvestre (HVI), alias Tarek (SLI), at alias Bebang (SLI).

Matagumpay na nakabili ang police operative poseur buyer ng isang knot-tied transparent plastic bag ng shabu, dahilan upang maaresto ang dalawang lalaki at isang isang babae.

Narekober ng pulisya ang subject ng sale na shabu, at limang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu, na may kabuuang 60 gramo na ang estimated street value ay ₱408,000.00.

Nabawi rin ang buy-bust money na ₱1,000.00 bill at ₱79,000.00 boodle money, at isang keypad cellular phone.

Ang tatlong suspek ay nasa kustodiya ngàyon ng Makati City Police Station at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot