Home METRO PNP chief: Police scalawags sisibakin, kakasuhan agad!

PNP chief: Police scalawags sisibakin, kakasuhan agad!

MANILA, Philippines – Tatanggalin agas ni Philippine National Police Chief PGen Rommel Francisco Marbil sa pagka-pulis ang sinumang durungis sa pangalan ng organisasyon.

Ayon kay Marbil, nag-iisa lang ang PNP kaya marapat lamang na protektahan ang imahe nito.

Anang PNP Chief, agad na tatanggalin sa pagkapulis ang mga tiwali nilang miyembro bago pa makasuhan sa korte.

Ito ang pahayag ni Marbil sa kanyang pagpunta sa National Capital Regional Police Office kaninang umaga, Hunyo 13.

Seryoso umano ang liderato niya na linisin ang kanilang hanay sa kapulisan.

Magugunitang makailang beses na namang nakaladkad ang pangalan ng PNP dahil sa katiwalian umano na nagdawit sa ilang opisyales nito sa mga anomalya. Dave Baluyot