MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa mga pangunahing lotto jackpot na binola noong Huwebes, Enero 23, 2025.
Sa Superlotto 6/49, ang nanalong kombinasyon ay 02-31-39-16-09-12, ngunit walang tumama kaya’t nanatiling hindi napapanalunan ang jackpot na P37,685,725.80.
Ganoon din sa Lotto 6/42, kung saan hindi rin nahulaan ang mga numerong 20-27-40-16-19-12, kaya’t hindi pa rin nakuha ang P6,217,911.40 na premyo. RNT