Home NATIONWIDE P90M combined lotto jackpot ‘di naiuwi

P90M combined lotto jackpot ‘di naiuwi

MANILA, Philippines – Walang mapalad na nanalo para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 jackpots sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) draw nitong Miyerkules ng gabi, Peb. 28.

Hindi nagawang mahulaan ng mga mananaya ang lucky digit combination na 41-35-18-43-33-40, na may P8.9 million Mega Lotto jackpot.

Wala ring manlalaro ang nakahula sa Grand Lotto 6/55 winning digit combination na 49-37-51-36-50-10, na may jackpot na P88.2 milyon.

Samantala, ang mga nanalong numero para sa digit na laro ay 7-3-2-5 para sa 4D Lotto, 8-6-5 para sa 3D Lotto, at 30-09 para sa 2D Lotto.

Ang susunod na Mega Lotto 6/45 draw ay sa Marso 1, habang ang Grand Lotto 6/55 ay sa Marso 2. RNT

Previous articleBOSS IRONMAN MOTORCYCLE CHALLENGE, MAPANGANIB
Next article80 probinsya masasapul ng El Niño