Home OPINION PABAHAY PARA SA MGA GURO, MATAGUMPAY NA INILUNSAD NG DEPED AT...

PABAHAY PARA SA MGA GURO, MATAGUMPAY NA INILUNSAD NG DEPED AT PAG-IBIG FUND

173
0

MATAGUMPAY na nailunsad ng Department of Education (DepEd), sa pakikipagtulungan ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, ang isang malaking inisyatibo na naglalayong bigyan ng mas mabilis at mas malinaw na landas ang mga guro at kawani ng pampublikong paaralan tungo sa pagkakaroon ng sariling tahanan. Ang nasabing programa ay nagbukas ng pinto para sa libo-libong tagapagturo na matagal nang nangarap ng abot-kayang pabahay.

Sa ilalim ng kasunduang ito, binigyan ng prayoridad ang mga guro sa pamamagitan ng mga nationwide housing fair. Sa mga nasabing event, nabigyan sila ng pagkakataong direktang pumili ng mga housing unit, magpro­seso ng kanilang mga loan, at ma­kakuha ng gabay sa financing sa iisang venue o “one-stop shop” setup.

Pagtugon sa Pangangailangan ng mga Guro

Ayon kay DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, binuo ang programa upang tugunan ang mga pasaning kinakaharap ng mga guro gaya ng nag­­tataasang presyo ng lupa, limitadong financing options, at kakulangan sa impormasyon.

Binigyang-diin ng kalihim na sa pamamagitan ng partnership sa Pag-IBIG Fund, mas pinadali ang mga proseso upang masi­gurong hindi na mahihirapan ang mga guro sa pagkuha ng disenteng tirahan para sa kanilang pa­milya.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na ang hakbang na ito ay bahagi ng adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “BBM” Marcos Jr. na ilapit ang oportunidad sa pabahay sa mga sektor na nagsisilbi sa bayan, partikular na ang education sector.

Tagumpay ng mga Naganap na Housing Fair

Kamakailan lamang, isinagawa ang mga unang yugto ng prog­rama sa Jose Rizal Coliseum sa Calamba City noong April 27–28, at sa IEC Convention Center sa Cebu City noong April 30 hanggang May 1, 2026.

Sa mga nasabing aktibidad, mahigit 20,000 housing units ang ipinamalas sa tulong ng De­partment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Nag-alok ang Pag-IBIG Fund ng mga espesyal na benepisyo gaya ng hanggang 45 porsyen­tong diskwento sa mga pro­perty at mga housing package na akma sa salary grade ng mga guro. Namahagi rin ng Pag-IBIG Loan Value Card upang pabilisin ang ebalwasyon ng kanilang loan eligibility.

Dahil sa tagumpay ng mga unang leg, inaasahang itutuloy ang mga housing fair sa Metro Manila at Mindanao upang mas marami pang guro ang makamit ang kanilang pangarap na bahay at lupa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here