Home NATIONWIDE Padilla, ‘never say die’ sa medical marijuana law

Padilla, ‘never say die’ sa medical marijuana law

253
0
Matagumpay na sinira ng mga awtoridad ang large-scale marijuana cultivation site sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Muling inihain ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang panukalang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng marijuana para sa medikal na layunin sa ilalim ng Cannabis Medicalization Act of the Philippines.

Una itong inihain bilang Senate Bill No. 2573 noong 19th Congress ngunit hindi pumasa sa ikatlong pagbasa, bagamat nakarating sa plenaryo at sinuportahan ng 13 senador.

Tiniyak ni Padilla na may mahigpit na pananggalang ang panukala mula sa pagtatanim hanggang sa pamamahagi ng cannabis sa mga kwalipikadong pasyente.

Katuwang niya ngayon si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nagsabing tugma ang panukala sa polisiya kontra ilegal na droga ng gobyerno.

Layon din ng panukala na likhain ang Philippine Medical Cannabis Authority na nasa ilalim ng Department of Health. Isa ito sa sampung pangunahing panukala ni Padilla ngayong 20th Congress, kabilang ang divorce, pagbabawal sa political dynasty, halal certification, at Muslim prayer rooms sa mga pampublikong tanggapan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here