Home HOME BANNER STORY Padilla, sinisi si Tarriela sa lumalalang propaganda ng China

Padilla, sinisi si Tarriela sa lumalalang propaganda ng China

1
0

MANILA, Philippines – Sinisi ni Sen. Robin Padilla si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Jay Tarriela sa umano’y paglala ng “wartime propaganda” kasunod ng kontrobersyal na AI-generated video ng China Daily na nagpakita sa mga Pilipino bilang mga unggoy.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Padilla na si Tarriela ang unang nagpasimula ng sigalot.

“Mr. Tarriela, it was you who drew first blood. This escalation into wartime propaganda was your genius creation,” ani Padilla.

Bagama’t nauna nang kinondena ni Padilla ang AI video ng China Daily, sinabi rin niya na sa mata ng mga puting kolonisador ay pare-pareho lamang umanong “unggoy” ang mga Asyano.

Tumugon naman si Tarriela at itinangging propaganda ang ginagawa ng PCG. Aniya, layunin lamang nilang ilantad ang umano’y panggigipit ng China sa mga mangingisdang Pilipino at sa mga tauhan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi rin ni Tarriela na hindi niya matanggap ang paglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy.

“I believe it is an insult to the more than 26 million Filipinos who voted for you that you accepted that we are monkeys,” ani Tarriela.

Nauna nang kinondena ng iba’t ibang opisyal ng Pilipinas ang AI-generated video ng China Daily, na tinawag nilang isang rasista at mapanirang paglalarawan sa mga Pilipino. Ang video ay nagpapakita ng isang unggoy na nakabarong at binobomba ng water cannon habang may hawak na kopya ng 2016 arbitral ruling sa West Philippine Sea. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here