Home OPINION PAG-IBIG ABOT-KAYANG PABAHAY, KATUPARAN NG PANGARAP

PAG-IBIG ABOT-KAYANG PABAHAY, KATUPARAN NG PANGARAP

284
0

MAGANDANG balita! Mayroong halos 25,000 manggagawang Pilipino ang agad na nagpahayag ng interes sa Expan­ded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng Pag-IBIG Fund sa loob lamang ng tatlong buwan ay hindi lamang numero, ito ay patunay ng malakas na pagnanais na makamtan ang pangarap na bahay para sa kanilang pamilya.

Ang matagumpay na paglulunsad ng 4PH Online Registration System nitong Hulyo 2025 ay isang makabagong hakbang na tunay na nakahanay sa pa­ngangailangan ng panahon. Sa pamamagitan ng digital platform na ito, mas madali nang magkaroon ng akses ang mga miyembro sa impormasyon, ma­kapili ng mga housing project, at masubaybayan ang kanilang aplikasyon, lahat mula sa kanilang cellphone o computer.

Ang pagiging user-friendly, transparent, at corruption-free ng sistema ay nagbibigay ng kum­piyansa sa mga tao na ang proseso ay patas at tapat.

Ang programang ito ay malinaw na nakaugat sa adbokasiya ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. na tu­gunan ang malalang housing back­log sa bansa. Ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor na naglaan ng mahigit 251,000 socialized housing units ay nagpapakita na kapag may malinaw na direksyon at ino­basyon, posible ang malala­king pagbabago.

Sa kabila ng hamon na dala ng 6.5 million na backlog sa pabahay, ang 25,000 registrants sa loob lamang ng tatlong buwan ay isang magandang simula. Ipinapakita nito na may tiwala ang mga tao sa sistema, at higit sa lahat, naniniwala silang posible ang pangarap na bahay kung may suporta at konkretong programa mula sa pamahalaan. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng inobasyon at malasakit, darating ang araw na ang bawat Filipino ay hindi na lamang mangangarap kundi tunay nang makakapagsabi: “Ito ang aming sariling tahanan.”

Sa ganitong pananaw, ang Expanded 4PH Program ay hindi lamang proyekto ng pabahay, ito ay pag-asa at pag-angat ng pamumuhay para sa libo-libong pamilya, at sa kalaunan, para sa buong sambayanang Filipino.

Kapwa naniniwala ang Pag-IBIG Fund at ang Department of Human Settlements and Urban Development na ang 4PH ay hindi lamang tungkol sa bahay kundi sa dignidad ng bawat Filipino. Kapag may sariling tirahan ang isang pamilya, mas nagiging matatag sila laban sa kahirapan, mas nagiging masigla ang kani­lang komunidad, at mas nagiging buo ang kanilang pangarap para sa kinabukasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here