Home OPINION PAG-IBIG FUND NAGTALA MULI NG RECORD HIGH NA P28.75B NGAYONG Q1 NG...

PAG-IBIG FUND NAGTALA MULI NG RECORD HIGH NA P28.75B NGAYONG Q1 NG 2024

Sa unang quarter ng 2024, sama-samang nakaipon ng record na P28.75 bilyon ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, nakapagtala ng pinakamataas na halagang naipon sa kasaysayan ng ahensya sa ­unang quarter, ayon sa mga matataas na opisyal. Ito ay kumakatawan sa 36% na pagtaas humigit-kumulang P7.66 bilyon, higit pa sa P21.09 bilyon na naipon sa parehong panahon noong 2023.

Bahagi ng total savings collections ng Pag-IBIG Regular Savings ng ahensya, na tumaas ng 25% mula P10.58 bilyon noong unang quarter ng 2023 hanggang P13.19 bilyon ngayong taon.

Ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

“Our strong savings collections reflect the trust and confidence our members place in us, along with our ability to prudently manage their savings. Pag-IBIG Fund’s strong financial position enables it to offer low interest rates and support the financing side of the Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program, a flagship program of Pre­sident Ferdinand Marcos, Jr.”

Noong Pebrero, ipinatupad ng Pag-IBIG Fund ang bagong mandatory monthly savings rates na P200 para sa mga empleyado at share ng employer.

Ang pagtaas ay ang kauna-unahang pagtaas na ipinatupad ng Pag-IBIG Fund mula noong ito ay itinatag noong 1986.
Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na kilalang-kilala ng mga miyembro ay ang MP2 Savings ng ahensya, patuloy ang paglago ng savings ng mga miyembro nito.

Napanatili ng voluntary savings program ang paglago nito, kung saan ang mga miyembro ay nag-ipon ng record-high na P15.56 bil­yon, na umabot sa 54% ng kabuuang ipon na nakolekta sa quarter.

Binigyang-diin pa ni Acosta na patuloy ang pagtitiwala at kumpiyansa ng kanilang mga miyembro, tulad ng ipinakita sa magkakasunod na taon ng record-highs sa mga koleksyon ng ipon.

“With the implementation of the new mandatory monthly contribution rates of P200 from both members and employers, Pag-IBIG members can expect substantial savings in the future and access to higher cash loans. Our goal remains the same – to maximize the growth of our members’ savings and keep home loan interest rates low”, pahayag ni Acosta.