Home NATIONWIDE Pag-import ng bigas ng Pinas lalala pa sa tapyas-tripa – USDA

Pag-import ng bigas ng Pinas lalala pa sa tapyas-tripa – USDA

MANILA, Philippines – NAKAHANDA ang Pilipinas na panatilihin ang posisyon nito bilang nangungunang global rice importer ngayong taon at sa mga susunod na taon.

Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).

Inaasahan ngayon ng USDA na ang rice imports ng Pilipinas ay umabot sa 4.6 milyong metriko tonelada ngayong taon at mas tataas sa 4.7 milyong metriko tonelada sa 2025.

Ang pigurang ito ay kumakatawan sa tinatawag na “upward revision” mula sa naunang pagtataya ng USDA noong Mayo, pumalo ang pag-angkat sa 4.1 milyong metriko tonelada para ngayong taon at 4.2 milyong metriko tonelada para sa 2025.

“The surge in rice consumption is primarily attributed to reduced tariffs on the commodity,” ayon sa USDA.

Makikita naman sa data mula sa Bureau of Plant Industry na “as of June 6”, ang rice imports na may kabuuang 2.17 milyong metriko tonelada ay naitala, may majority (1.59 million metric tons, o 73% ng kabuuanl) nagsimula sa Vietnam.

Sa naging pagtataya naman ng gobyerno, ang retail price ng imported rice ay inaasahan na bababa ng P6 hanggang P7 kada kilogram simula sa buwan ng Agosto.

Ang shipments ng bigas na may kinaltasang taripa ay nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na buwan.

Ang forecasts para sa retail prices ng mga imported rice ay base sa pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“Monitoring conducted by the Department of Agriculture in public markets in Metro Manila indicated that well-milled rice is currently priced between P48 and P55 per kilogram, while regular rice ranges from P45 to P52 per kilogram,” ayon sa ulat.

“Imported well-milled rice is priced between P52 and P55 per kilogram, while imported regular rice falls within the range of P48 to P51 per kilogram,” ayon pa rin sa ulat.

Ang special variety imported rice ay ibinebenta ng P57 hanggang P65 per kilogram, at ang premium imported rice ay sa presyo ng P50 hanggang P62 per kilogram.

“In comparison, domestically grown rice is available at P56 to P65 per kilogram for the special variety and P50 to P58 per kilogram for the premium variety,” ayon sa ulat. Kris Jose