Home NATIONWIDE PAGASA sa publiko: Mga aktibidad sa labas limitahan muna vs sobrang init

PAGASA sa publiko: Mga aktibidad sa labas limitahan muna vs sobrang init

MANILA, Philippines – May babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagdiriwang ng Semana Santa 2024.

Giit ng weather bureau na dapat bawasan publiko na bawasan ang paggawa ng mga aktibidad sa labas lalo na kapag ang temperatura ay pinakamainit sa alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon.

Sinabi ng PAGASA na kung hindi maiiwasan ang paglabas, ang regular na pag-inom ng tubig, pananatili at pamamahinga sa mga lugar na may lilim paminsan-minsan, at pagsusuot ng light-colored na damit ay maaaring gawin upang maiwasan ang pagod, init ng ulo, at pagkapagod sa init.

Sa pahayag ng PAGASA na ang easterlies o ang mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko ang magiging dominanteng weather system sa bansa. RNT

Previous articleANG PALASPAS
Next articlePasok sa gobyerno half-day lang sa Miyerkoles Santo