Home NATIONWIDE Pagdinig sa Percy Lapid slay ‘di na naman natuloy

Pagdinig sa Percy Lapid slay ‘di na naman natuloy

MANILA, Philippines- Muling ipinagpaliban ng Las Piñas RTC ang pagdinig sa kaso laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid, na hindi tuloy ang hearing ng korte sa Lunes, March 18, dahil na rin sa kahilingan ng prosekusyon.

Marso ng nakaraang taon nang sinampahan ng piskalya si Bantag at si dating deputy security officer Ricardo Zulueta ng dalawang bilang ng kasong murder dahil sa umano’y pagpatay kay Lapid at sa sinasabing middleman na si Jun Villamor.

Nakakita rin ng sapat na basehan para kasuhan ang self-confessed gunman na si Joel Escorial, Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan at isang Orlando bilang principals by direct participation.

Si Lapid ay pinagbabaril ng dalawang suspek sa Las Piñas City noong October 3, 2022. Teresa Tavares

Previous articlePagbasura sa petisyon ng NOW Telecom vs NTC pinagtibay ng CA
Next articleDENR: Mga resort na itinayo sa Chocolate Hills bubusisiin