
ANG pagtataksil ay isa sa mga pinakamalalim na sugat na maaaring maranasan ng isang tao sa isang relasyon. Kapag nalaman ng isang babae na ang kanyang asawa ay may ibang kinalolokohang babae, ang natural na reaksyon ay magalit, masaktan o magtangkang ayusin ang sitwasyon.
Ngunit may mga pagkakataon na mas mainam na huwag pansinin ang asawa sa ganitong uri ng kalagayan, hindi dahil sa pagtanggap ng pagtataksil, kundi bilang paraan ng pagpapakita ng lakas, pagpapahalaga sa sarili, at tamang diskarte sa sitwasyon.
Narito ang mga dahilan kung bakit hindi kailangang pansinin ng isang babae ang kanyang asawang nagtataksil:
Pagpapanatili ng Dignidad at Sariling Pagpapahalaga
Kapag pinansin ng isang babae ang pagtataksil ng kanyang asawa, maaaring makita ito ng lalaki bilang kahinaan o desperasyon.
Sa halip na makipag-away o makiusap, mas mabuting panatilihin ang dignidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalmadong kilos.
Ang tahimik na pagtugon ay nagiging mensahe na ang babae ay may mataas na pagpapahalaga sa kanyang sarili, na hindi siya magpapababa sa antas ng pagsasawalang-halaga sa kanya.
Pag-iwas sa Hindi Makabuluhang Komprontasyon
Ang pakikipagtalo o komprontasyon sa asawa ukol sa pagtataksil ay kadalasang nauuwi sa emosyonal na gulo. Sa halip na maayos ang problema, nagiging mas magulo ang sitwasyon.
Ang hindi pagpapansin sa asawa ay naglalagay ng distansya na maaaring magbigay ng mas malinaw na pananaw sa mga susunod na hakbang na kailangang gawin. Huwag ipaalam sa inyong asawa na may alam ka na may kinalolokohang na siyang ibang babae.
Sa ganoong paraan, uuwi pa rin ang inyong asawa tuwing gabi at hayaan siya magdahilan kung bakit siya ginagabi.
Pagbibigay ng Espasyo para sa Sarili
Ang hindi pagpapansin sa asawang may ibang karelasyon ay nagbibigay-raan para sa babae na magtuon ng pansin sa kanyang sariling kaligayahan at kapakanan. Sa halip na mag-aksaya ng oras sa isang taong hindi nagpapahalaga, mas mabuting gamitin ang enerhiya sa mga bagay na magdadala ng kasiyahan, pag-unlad, at kalusugan sa emosyon at isip. Kung malalaki na mga anak ninyo, bigyan ng panahon ang inyong sarili, magpaganda sa salon at magshopping.
Makipagkita muli sa iyong mga kaibigan at mag-enjoy.