MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni VP Sara Duterte ang pagtawid sa 20th Congress ng impeachment case na inihain noong 19th Congress laban sa kanya, dahil umano sa mga procedural lapses na labag sa Konstitusyon.
Sa isang panayam mula sa The Hague, sinabi ni Duterte na ang kanyang mga abogado na ang bahalang magpaliwanag, dahil baka “mapagalitan” siya kung magsalita pa.
Nasa Netherlands siya upang dalawin ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa Scheveningen Prison dahil sa mga kasong crimes against humanity.
Noong Pebrero 5, inaprubahan ng mahigit 200 kongresista ang impeachment laban sa kanya dahil sa betrayal of public trust, graft, at iba pang matitinding krimen.
Nakatakdang basahin ng Senado ang reklamo sa Hunyo 11, bago ang adjournment sa Hunyo 14, habang si Sen. Bato Dela Rosa ay naghain ng resolusyong ipabasura ang kaso. RNT