Home ENTERTAINMENT Pamamanhikan ni Dom kay Bea, inaabangan na!

Pamamanhikan ni Dom kay Bea, inaabangan na!

Manila, Philippines- Neither in Singapore nor in Japan.

Ito ang kinalabasan ng wedding proposal ni Dominique Roque sa kasintahang si Bea Alonzo.

Gaya ng alam ng lahat, ang inakala ng 35 anyos na Kapuso actress na isang photo shoot lang ang gagawin niya sa Las Casas Flipinas de Azucar sa Bataan turned out to be a highly anticipated event.

On his knees with matching engagement ring ay nag-propose na nga si Dom.

Ani Bea, in her entire year ay mahigit 30 eksena na ng wedding proposal ang nagawa niya.

But nothing could beat the real thing dahil ang totoo palang proposal ay walang mahabang linya, no long speech either from the guy.

Aminado nga lang si Bea na ipinagkanulo siya ng kanyang sariling kutob.

Ang inaasahan pala niyang proposal ay sa Singapore o Japan pa.

Sa Singapore pagkatapos ng GMA Gala nitong July 22 or sa Japan sa kanilang biyahe ni Dom together.

Sa ngayon, ang araw na ng pamamanhikan ni Dom with his family sa pamilya is next in line.

And speaking of the recently concluded GMA Ball, Preview magazine named Bea as one of the 10 Most Stylish Stars to have graced its sophomore year. Ronnie Carrasco III