MANILA, Philippines – Nakatakdang rebyuhin ng Senado ang lahat ng pangalan ng jackpot winner sa nakaraang lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa 6/42, 6/45, 6/49, 6/55, at 6/58 draws.
Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Committee on Games and Amusement, isinumite ni Atty. Lyssa Grace Pagano, Chief of Staff, Office of the General Manager of PCSO ang pangalan ng lotto winners at games na napanalunan mula July 1 hanggang Jan. 30, 2024.
“Regarding the names of the lotto winners and the games they won it’s in a sealed envelope and I will turn it over to the Committee because this involves already the data of the winners,” aniya.
Nangako naman si Senador Raffy Tulfo na kanyang poprotektahan ang pangalan at ikokonsidera itong confidential.
“Ang mangyayari po pagbabanggain natin ilang games ang tinamaan for example sa buwan ng September, at ilang tao ang tumama, at magkano ang binayad na taxes at ibabangga natin yan sa record ng PCSO, ayon kay Tulfo.
Inihayag naman ni Atty. Ralbert John Neil Tibayan ng Legal and Legislative Division ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsusumite ang ahensiya ng report upang maipakita ang accuracy ng records.
Sinabi ni Tulfo sa pagdinig na ilang panukala ang nakahain upang makatulong na mapahusay ang integridad ng lotto kabilang ang pagpapalit ng nakatalagang opisyal na maaaring gumalaw sa ugat ng lotto system at madaliang Deklarasyon ng winner kada lotto draw kung meron.
Ngayon, tanging ang PCSO general manager at assistant general manager ang humahawak ng root access sa sistema kaya gustong limitahan ito kina PCSO Chairman Junie Cua at General Manager Melquiades Robles.
Iginiit din ni Tulfo sa nakaraang pagdinig na nakapagdududa sa mananaya ang pagtaas ng jackpot prize mulasa prize fund reserve.
“In can be recalled in the previous hearing that PCSO General Manager Melquiades Robles admitted that last December, the PCSO increased the jackpot money of all lotto games. PCSO added 100 million each on 6/42 and 6/45 while half a billion each on 6/49, 6/55, and 6/58 from their prize fund reserve,” ayon sa senador. Ernie Reyes